^

Pang Movies

Male celebrity na praning, ilang linggo nang nagtatago sa ibang bansa dahil sa drug watchlist!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

How true na umiiwas daw sa isang drug investigation ang isang male celebrity kaya ilang linggo na itong wala sa bansa simula noong pumutok ang balitang may listahan daw ng mga celebrity na sangkot sa illegal drugs.

Ayon sa aming source, simula raw noong may lumabas na “listahan” ay hindi na raw napakali ang naturang male TV host. May mga tinawagan na raw ito at pagkatapos ng ilang araw ay bigla na lang itong nawala at nabalitaan na lang nila na nasa ibang bansa na siya. “Siguro inunahan na niya at baka nga naman magkaroon ng flight ban sa kanya.

“Marami kaya siyang ini­wan na mga trabaho rito. Nalokah ang mga kausap niya kasi bigla-bigla na lang siyang nawala.

“‘Yan ang hirap sa mga praning. Ayan tuloy takot siya sa sarili niyang multo,” sey pa ng source namin.

Kuwento pa ng isang source namin na pakiramdam nga nila ay gumagamit ng illegal drugs ang male celebrity. Unang-una ay party boy ito at mga sosyal na parties pa ang pinupuntahan niya.

“Eh sa mga parties ng mga sosyal naman nagsimula ang mga party drugs, ‘di ba?

“Kapag mag-party daw ‘yang si male celebrity walang pagod. May iniinom daw kasi ‘yan na hinahalo sa bottled water na lagi niyang bitbit.

“Kaya kahit na mag-party siya ng buong magdamag, makakapag-taping pa ‘yan kinabukasan. Pero para raw siyang robot. Malayo raw parati ang tingin. Pero nagagawa naman niya ang kanyang trabaho.

“Noong matapos na raw ay bigla itong nakatulog sa kinaupuan niya. As in, tulog na hindi mo magi­sing. Kaya binitbit pa siya ng ilang tao para dalhin sa kotse niya.

“Sanay na raw ang driver ng male celebrity sa nangyayari rito. Noong una raw ay dinala pa niya ito sa ospital. Pero kailangan lang daw nito na makatulog ng dose oras. Paggising naman nito, parang walang nangyari.”

Walang habilin ang male celebrity kung kailan ito babalik ng Pilipinas.

Lovi handang isakripisyo ang lahat para sa lalaki

Handa raw magsakripisyo ang Kapuso actress na si Lovi Poe, lalo na kung ang kanyang mahal ay nasa malubhang kalagayan tulad ng mga characters nila sa teleserye na Someone To Watch Over Me.

Ayon kay Lovi, ang tunay na pagmamahal ay ang pagtanggap sa anumang nangyayari sa iyong minamahal at handa mong isakripisyo ang lahat.

“Sa totoo po, tinanong ko na rin po ‘yan sa sarili ko. I’m actually hoping and praying, siguro kaya ko if I have someone who is just like TJ, who is portrayed by Tom Rodriguez.

“Siguro talaga, dahil sa pagmamahal na ipinakita niya ni TJ kay Joanna, siguro magkakaroon po ng lakas ng loob na alagaan siya talaga.

“Siyempre, may mga oras talaga na kailangan natin isipin ‘yung sarili natin, pero po ‘pag mahal mo naman talaga ‘yung tao, you don’t know how far you’ll go for love.

“So, minsan po talaga, kahit man sabihin na mahirap gawin, ‘pag mahal mo ang isang tao you’ll cross any bridge and gagawin mo minsan ang lahat.”

Hindi pa naman daw dumara­ting si Lovi sa ganyang sitwasyon sa kanyang buhay. Pero kung sakaling may mangyaring ganyan, hindi raw niya ipagdaramot ang kanyang oras at panahon. Kung kinakailangan daw na meron siyang isakripisyo, pikit-mata niyang gagawin iyon.

Lauren abala sa teatro

Kaya hindi masyadong napapanood sa mga teleserye si Lauren Young ay dahil nag-e-enjoy ito sa pag-arte niya sa teatro.

Kabilang si Lauren sa mga gumanap sa stage play na No Filter, isang “series of monologues and multimedia performances that chronicles the experiences and emotions of a millennial.”

Ayon pa sa Kapuso actress: “It was different from what I’m used to… but I’m always game to try different things so it was a nice experience to dip my feet into something else and I’m glad I did it. I learned so much, I met so many amazing people.

The stories spoke to me and I was inspired to apply certain lessons in my real life experiences.”

Kaya habang wala pang TV projects si Lauren, sinibukan niyang mag-train bilang isang director naman. “I shouldn’t compromise what I love so I joined a group of my friends who have a production company so I’ve been doing BTS (behind-the-scene) work.

“I’ve been training to be a director with Stronghold MNL. That’s what I’ve been doing now so I get a little bit of both – I get to conceptualize and I get to be on the set, still doing what I love.”

Huling napanood si Lauren sa teleserye na MariMar kunsaan gumanap siyang kontrabida. Nagkaroon din siya ng guest role sa Poor Señorita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with