Aljur P7-M pa raw ang utang sa bahay
Nakabayad na kaya si Aljur Abrenica sa balance niya sa nabiling town house kay Ms. Kay Dacer?
Medyo mahal daw kasi ang pagkakabili ni Aljur ng nasabing bahay na ngayon ay balitang pinare-renovate pa niya.
Kung tama ang dinig ko, P7 million pa raw ang balance ng Kapuso actor kay Ms. Kay.
Panibagong kuwento ng kahirapan lalarga sa Venice Filmfest
Magkakaroon ng commercial exhibition ang best picture at naghakot ng award sa Cinemalaya 2016 na Pamilya Ordinaryo. Ito ‘yung pelikula ni Ronwaldo Martin, ang baguhang actor na kapatid ni Coco Martin. Si Hasmine Kallip naman na nanalong best actress, ang bidang babae.
Sa sinasabi ng title, Pamilya Ordinaryo, kuwento ito ng isang mag-asawang nakatira sa bangketa na parehong teenager pa pero ‘pinagsamantalahan’ ang kahirapan ng bakla nang kunin ang kanilang baby.
Doon iikot ang kuwento at talagang makikita mo ang kahirapan ng kanilang pamilya pero andun ang pagmamahal sa anak.
Bukod sa pagpapalabas sa selected theaters, lalarga rin ang pelikula sa Venice Filmfest.
Ang ganyang mga klase raw ng pelikula ang tipo sa nasabing festival. ‘Yun talagang nagpapakita ng kahirapan ng buhay ng pamilyang Pilipino na gagawin ang lahat makaraos lang sa pang-araw-araw.
By the way, Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Pamilya Ordinaryo.
Offer na maging news anchor tinanggihan
Pero ‘di pala lumayas sa Dos, Atom napagod na sa pagiging reporter?!
Pagod na ba sa pagiging reporter si Atom Araullo? Ito ay matapos siyang mag-resign bilang reporter sa ABS-CBN. Yup, hindi naman pala lumayas sa network. Ang nilayasan niya pala ay ang pagiging reporter. Mananatili raw itong host ng Magandang Umaga Bayan at Red Alert ayon sa isang source.
Kumalat kasi noong isang araw na lumayas daw si Atom sa Dos dahil sa hindi ito makapagbigay ng kanyang political views. Kaso mismong si Atom ang nag-klaro sa kanyang Facebook account kahapon. Ito ang kumpletong pahayag niya:
For clarity.
I quietly resigned as a news reporter of ABS-CBN a few weeks ago to explore other areas of media and to grow as a journalist. However, I continue to work with the network and our programs. My political views were not a factor in making this decision.
Having studied pressing issues based on fact and with an open mind, journalists, like any other individual, should ultimately stand up for the truth. This does not weaken our journalism, it strengthens it. Our guiding principles are fairness and accuracy. As we face tougher scrutiny from the public, we in media also strive to be more transparent and open to criticism.
I thank everyone for the support they expressed on social media. I look forward to playing my role in the debates and issues to come.
Actually ayon sa source, matagal na raw talagang gustong bumitiw ni Atom sa pagiging reporter at may offer itong i-push ang career sa pagiging news anchor. Pero si Atom daw ang umaayaw ayon sa source.
Or baka naman may ibang plano ang manager ni Atom sa kanyang career. Abang-abang tayo.
- Latest