^

Pang Movies

Mawawalan ng show Heart pinoproblema ang pambayad sa bahay at kotse!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sina Dennis Trillo at Heart Evangelista naman, hindi na raw nila malilimutan ang muli nilang pagtatambal after noon sa Dwendina.

“I fell in love again with my work,” sabi ni Heart. “Naipakita ko ang other side of me.  Iyong hindi nila in-expect na kaya kong gawin ang makipag-kissing scene dahil may asawa na ako. But I really enjoyed my role, lalo pa at napaka-supportive naman ng asawa ko. Kung may scene akong gusto rito, iyong sumayaw kami ni Dennis sa Obando, Bulacan  para humingi ng anak. May ganoon pala talagang tradisyon doon.

“Mami-miss ko ang mga kasama ko, pero nasa-sad din ako kasi mababawasan na ang kita ko, na pambayad ng car ko, nagpapagawa pa ako ng bahay.  But at the same time, magkakaroon na ako ng time sa mga bagong offers na dumarating sa akin.”

“Nakakalungkot lang at nakakabigla rin na matatapos na pala kami,” nakangiting sagot ni Dennis.

 “Parang ang bilis ng 16 weeks namin, kasi ang saya ko na every project na gawin ko, may iba akong ipinakikita. At ang maganda rito sa JHLS, nalaman kong puwede rin pala akong mag-comedy.”

Inamin ni Dennis na medyo nahirapan siya sa eksenang ni-rescue niya sa nasusunog na bus ang anak nilang si Kat-Kat. Mainit daw at mausok, ang inalala niya ay ang batang si Kat Kat, dahil maghapon nilang kinunan ang eksenang iyon.

Nag-tweet nga pala si Direk LA Madridejos sa mga netizen, paano raw ba nila gustong magwakas ang Juan Happy Love Story. Sa story kasi ngayon, naibalik na ang batang si Kat-Kat kina Juan at Happy, kaya masaya na silang mag-anak, may gulo pa bang mangyayari? 

Subaybayan na lamang natin kung paano nga magwawakas ang serye na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Descendants of the Sun.

Joross gustong mag-apply sa GMA, ‘di na babalikan ang ABS?!

May separation anxiety na sa cast ng Juan Happy Love Story sa pagsisimula ng finale week nila ngayong Monday. 

May isang taping day pa sina Dennis Trillo, Heart Evangelista, Joross Gamboa, Kim Domingo, at nalulungkot na sila dahil mami-miss nila ang isa’t isa. 

Para sa kanila, isang buong pamilya sila sa set kahit sa story ay madalas na nagtatalu-talo sila sa eksena. Pero ang isang very thankful na nakasama siya sa sexy-comedy series ay si Joross.

Para sa kanya, in-enjoy niya ang character ni Bob na mayaman at laging ipinagyayabang ang pera sa best friend na si Happy (Heart) at gumawa ng paraan na maagaw siya kay Juan (Dennis). But deep within, kaya palang magparaya ni Bob at may mabuti siyang puso para lamang mapasaya si Happy. Biniro tuloy namin si Joross kung lilipat na muli siya pagkatapos ng serye.

“Ako po naman, kung saan may trabaho,” sagot ni Joross. “Pero nagustuhan ko po ang pagtatrabaho rito at hindi pa tapos itong JHLS meron na akong bagong show, ang Superstar Duets at sa Saturday na ito magsisimula, after kong matapos dito sa Friday.

“Pero gusto ko ring mag-apply sa creative team ng GMA at gusto ko ring mag-guest sa Bubble Gang, bilib na bilib po ako kay Sir Michael V.”

Tulad nang naitanong namin noon kay Joross, hindi kaya sa ending ng JHLS, sila ni Kim ang magiging magkatambal? Napatawa si Joross, hintayin nalang daw ang finale nila para hindi na pinoproblema!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with