^

Pang Movies

Mga gustong sumali sa MMFF 2016 umabot na ng 70!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Fifty thousand pesos pala ang entry fee para sa mga movie producer na gustong isali ang mga pelikula nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

Sa October 31 ang deadline ng submission of entries at as of presstime, baka umabot na sa 70 ang bilang ng mga pelikula na hoping na maka-join sa MMFF pero walo lang ang kailangan kaya sure na sure na mahihirapan sa pagpili ang screening committee.

Mano Po gumiling na, direktor Tsinoy din

Nagsimula noong Sabado ang shooting ng Mano Po 7, ang pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na balak isali ni Mother Lily Monteverde sa MMFF 2016.

Mga bida sa Mano Po 7 sina Richard Yap at Jean Garcia pero inuna ng direktor na si Ian Lorenos na kunan ang mga eksena nina Janella Salvador, Marlo Mortel at Kean Cipriano.

Hindi pa sinasabi ni Mother Lily ang role ni Kean sa Mano Po 7 pero nagiging paborito siya ng Regal Entertainment Films. Hindi nawawalan ng project sa film outfit ni Mother ang asawa ni Chynna Ortaleza.

Isang Tsinoy si Ian kaya alam na alam niya ang mga ugali at tradisyon ng mga Filipino-Chinese.

Malaking tulong ang pagiging Tsinoy ni Ian para lalong malaman ng movie audience ang mga tunay na nangyayari sa buhay ng mga kalahi niya.

Nakakapagsalita rin ng Chinese language si Ian kaya puwedeng-puwede niya na dagdagan ang mga Chinese dialogue ng mga karakter sa Mano Po 7.

May record din si Ian na na­nanalo ng mga acting award ang mga artista ng mga indie movie na ginawa niya at maaaring maulit ito sa Mano Po 7.

PDEA at kapulisan nakabantay mga artistang pinaghihinalaang sangkot sa droga minamanmanan na

Under surveillance na pala ng mga tauhan ng PDEA at ng mga pulis ang mga artista na pinaghihinalaan na gumagamit ng illegal drugs.

I’m sure, hindi na magtatagal at malalaman na natin ang pangalan ng mga artista na may masamang bisyo.

Kung nagawa ni President Rodrigo Duterte na ibulgar ang mga government official na involved sa narco-politics, ang mga artista pa kaya?

Mag-expect tayo na nakakagulat ang listahan ng mga celebrity na hooked sa illegal drugs dahil may mga artista na wholesome ang image, hindi nasasangkot sa mga eskandalo pero drug addict pala.

Dalawang aktres na laos na ‘di makatulog kapag ‘di lumalaklak ng sleeping pills!

Hooked naman sa isang klase ng pampatulog ang dalawang aktres na hindi matanggap na mga laos na sila.

Hindi nakakatulog nang maayos ang mga aktres kapag hindi sila nakakalaklak ng sleeping pills na may pangit na epekto sa katawan at pag-iisip.

Bigla na lang nagiging hysterical ang mga gumagamit ng sleeping pills at natutuyo rin ang mga balat nila. Para silang mga isda na nabilasa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with