^

Pang Movies

James at Nadine namangha sa sunset sa Greece

- Vinia Vivar - Pang-masa

Panibagong serye na naman ang tatatak sa puso ng JaDine (James Reid at Nadine Lustre) fans pagkatapos ng On The Wings of Love sa pagsisimula ng Till I Met You ngayong gabi, Aug. 29, sa primetime slot ng ABS-CBN.

For JaDine, panibagong memories na naman ang kanilang nabuo while doing the series sa Greece kung saan ay two weeks din silang nag-taping.

Ayon kay Nadine, pinaka-unforgettable raw talaga sa trip nila sa Greece ay ang sunset sa Santorini.

“Pinaka-most memorable ko po ay ‘yung last taping day namin sa Santorini. ‘Yun po ‘yung time na patapos na kami, tapos po, nanood kami ng sunset.

“Tapos, parang sobrang sarap lang po ng pakiramdam na parang ‘guys, we did it!’ Natapos po namin, nagawa po namin lahat ng eksena.

“Parang time na to relax, tapos pinanood lang namin ‘yung sunset, lahat po kaming naiwan do’n.

“Ang ganda po talaga, iba po talaga (ang sunset du’n). Tapos pag lalabas na po ‘yung moon, ang laki ng moon, para siyang cheese. Ang laki kasi.

“Basta, ang ganda po. Ibang klase po talaga do’n. Kaya naman pala parang sinasamba ng mga Greek ‘yung sun and moon na parang mga gods. Ibang klase po talaga, ang ganda po talaga,” kuwento ni Nadine.

Same with James, sunset din daw ang pinakamagandang experience niya sa Greece.

“’Yung sunset din po. When it sets, parang sobrang mabagal at may kasamang applause from everyone.

“It’s an unforgettable experience. It’s supposed to be like thanking the sun, something like that,” sabi ni James.

Tatlong magagandang lugar sa Greece kinunan ang mahahalagang scenes sa TIMY – Athens, Greece and Myconos na for sure ay magugustuhan daw ng viewers.

Say ni Aga Kris lumayas sa ABS dahil kay Duterte

Timing naman na sa pagbabalik ni Aga Muhlach sa ABS-CBN ay mainit na pinag-uusapan ang pag-alis ni Kris Aquino sa nasa­bing network kaya natanong sa aktor kung ano ang masasabi niya tungkol dito.

“Wala naman, ewan ko. Wala na ba si Kris dito?” balik-tanong ni Aga.

“Wala, wala akong alam. Si Duterte na (ang Presidente), eh,” sambit ng aktor na ikinatawa namin.

“Hindi, ‘di ba? I mean, baka she wanted to rest also because of work, you know, parang... I even saw some of her staff, I mean, hindi naman ako nakiki-ano sa kanya but she’s a good friend of mine, too.

“But you know, parang... if she wants to rest, I mean, my God, she’s been working like... how many... all her life, too, ‘di ba?”

Ang wife ba niyang si Charlene Gonzalez ay wala pang balak bumalik sa showbiz?

“One at a time,” he said. “I’d be happy for her to go back to because you know, my wife is really, really professional about work.”

When asked kung ano ang feelings ni Charlene na bumalik na siya sa ABS-CBN, say ni Aga, “well, yeah, okay naman, nae-excite siya. Of course, siya rin nakakaintindi nu’n because she’s experienced, too.”

Pero ang talaga raw laging sinasabi sa kanya ni Charlene ay tungkol sa mga beauty pageants bilang dati ring beauty queen ang kanyang misis.

“Lagi niyang sinasabi, ‘By (short for baby), ang gay community, they go craze (sa beauty pageants), gustung-gusto ng tao ‘yan, because it’s fun’. Oo nga, napapansin ko nga. It’s true, it brings happiness to people.”

Natanong din si Aga kung ano ang masasabi niya sa Duterte government at sambit niya agad, “Oh, change is here.”

Tulad ng iba, natutuwa si Aga sa mga pagbabagong nangyayari ngayon sa bansa.

“It’s good. Change is here. Finally, there’s someone fixing our country for real,” sey ni Aga na isa sa Superstar judges ng Pinoy Boyband Superstar ng ABS-CBN na malapit nang magsimula.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with