^

Pang Movies

Angel binitbit si Chito sa Mt. Pinatubo, buntis na misis iniwan ng bokalista!

Pang-masa

MANILA, Philippines – Buti na lang at hindi selosang buntis ang asawa ni Chito Miranda na si Neri Naig.

Madalas nakakasama ni Angel Locsin sa lakaran ang bestfriend na si Chito na ang latest ay ang kanilang adventure sa Mt. Pinatubo.

Nag-hiking sila sa Mt. Pinatubo base sa mga sa inilagay na photos ni Angel sa kanyang Instagram account.

Eh ‘di ba ang buntis, sinasabi nilang sensitive at selosa.

Nauna nang inakyat ni Angel ang pinaka-mataas na bundok sa Luzon, ang Mt. Pulag noong nakaraang taon kasama rin ang kanyang mga kaibigan.

Hidilyn Diaz puwede nang maningil sa mga sumi-selfie

Kung naniningil lang siguro ang Rio Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz sa mga nakikipag-selfie sa kanya, malamang malaki na ang naipon niya.

Si Hidilyn ngayon ang pinaka-mabenta sa selfie. Mula sa mga pulitiko, media personalities and celebrities nag-uunahang makasama siya sa picture na diretso sa kani-kanilang social media accounts.

Kaya nga kung maniningil siya sa selfie, nadagdagan na sana ang cash rewards na natatanggap niya ngayon simula nang manalo siya sa Rio Olympics.

Nadine nanganak na

Nanganak na pala si Nadine Samonte. Naka-announce sa social media account ng asawa ni Nadine na si Richard Chua ang pagwe-welcome nila sa kanila first daughter na si Heather Sloane. Nanganak si Nadine sa Manila Doctors. Si Richard ay anak ng actress na si Isabel Rivas.

Mano Po nagsimula nang mag-shooting

Nag-first shooting day na kahapon ang Mano Po 7 ng Regal Films. Naunang kinunan ang mga eksena nina Janella Salvador, Marlo Mortel and Kean Cipriano, directed by Ian Lorenos. Si Richard Yap at Jean Garcia ang main characters sa pelikula ng Regal na intended for 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF). Maraming eksena ng pelikula ang kukunan sa China.

Showbiz career ni KC natabunan ng relasyon nila ni Aly

Ano nga kayang next project ni KC Concepcion? Pulos relasyon na lang kasi nila ni Aly Borromeo ang pinag-uusapan at laman ng kanyang social media accounts.

Wala na bang plano ang ABS-CBN na bigyan siya ng trabaho kahit man lang mag-VJ or mag-host?

Puwede siguro siyang pumalit kay Toni Gonzaga sa Pinoy Big Brother pag manganganak na ito.

Mukhang kuntento naman si KC sa kawalan niya ng trabaho. Pero ang fans at bashers niya, hinahanapan na siya ng trabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with