^

Pang Movies

The Rock pinaka-mayamang aktor!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Si Dwayne “The Rock” Johnson ang tinanghal ng Forbes magazine as the “highest-paid actor” in Hollywood.

May estimate na $64.5 million na kinita si The Rock noong nakaraang taon. Galing ito sa kanyang mga pelikulang Furious 7, San Andreas, Central Intelligence at sa HBO series niyang Ballers.

Ang ilan sa upcoming projects niya ay ang Furious 8, Moana, San Andreas 2, Doc Savage at Baywatch.

Natanggal nga niya sa number one spot si Robert Downey, Jr. na tatlong taong naging highest-paid actor ng Hollywood.

Nasa second spot ay si Jackie Chan with $61 million. At nasa ikatlo ay si Matt Damon with $55 million.

Direk Mamu gustong gawing komedyante si Ate Vi at Digong

Hindi ini-expect ng director na si Andrew “Mamu” de Real na magtatagal sa ere ang kanilang show na Sunday PinaSaya sa GMA 7.

Kaya laking tuwa niya na umabot na sila ng isang taon at patuloy ang mataas na ratings nila.

Ayon kay Direk Mamu, ang objective lang nila ay maghatid ng saya every Sunday at maiba naman ang concept ng show nila sa kalaban nilang show sa kabilang network.

Naging venue nga ang Sunday PinaSaya ng mga artista na hindi mo aakalain na magaling pala sa comedy.

Ikinakatuwa ni Direk Mamu na nagagawa nilang maging mahusay na komedyante ang iba nilang hosts at maging ang kanilang mga nagiging guests.

“‘Yun siguro ang masasabi naming iba sa show namin kasi nagagawa naming mga comedians ang mga nagiging guest namin.

“Hopefully, makuha rin namin mag-guest si Congresswoman Vilma Santos-Recto or si President Rodrigo Duterte. Interesado kaming makita kung kaya rin ba nila magpatawa,” sabi ni Direk Mamu gustong gawin komedyante si Ate Vi at Pres. Digong

Eugene hindi mapilit kahit ng kaibigan na ikumpisal ang lovelife

Kahit na ang isa sa best friends ni Eugene Domingo na si Frances Makil-Ignacio ay hindi makumpirma kung may lovelife na nga ito.

May naikuwento kasi noon si Uge na may special someone siya at hindi ito Pinoy.

Ayon nga kay Frances ay noon pa raw malihim si Uge sa lovelife kaya wala siyang masyadong alam. “Wala sa usapan namin ang chismis sa lovelife,” ngiti pa niya.

Pero kung totoo man daw na may boyfriend ngayon si Uge, isa sa magiging masaya ay si Frances.

Naging magbarkada sina Frances at Uge noong nag-aaral pa sila sa University of the Philippines. Pareho sila na theatre arts ang kurso. Sabay din sila sumubok na pasukin ang umekstra noon sa TV at pelikula.

Ngayon ay kasama si Frances sa bagong primetime teleserye na Someone To Watch Over Me na pinagbibidahan nila Tom Rodriguez, Lovi Poe at Max Collins.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with