^

Pang Movies

Gustong lumigaya lahat, James pabor sa same sex marriage!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maraming binitiwang mabibigat na statement si James Reid nitong mga nakaraang araw. Una, sinabi niyang pabor siya sa isinasagawang pamamaraan ng pagsugpo sa droga ng kasalukuyang gobyerno.

Sinabi rin niyang nakahanda siyang sumailalim sa isang voluntary drugs testing. Bihira sa mga kabataan, lalo na iyong mga mahihilig sa party ang ganyang statement. Kasi karamihan sa mga tinatawag na “party boys” gumagamit din ng “party drugs”. Pero parang sinabi nga ni James na iba siya.

Isang mabigat na statement din iyong sinabi niyang pabor siya sa same-sex marriage, dahil naniniwala siyang ang lahat ng tao ay may karapatan na gawin kung ano ang kagustuhan niya. Pero sinabi niyang hindi para sa kanya iyon. Ibig sabihin, ok lang sa kanya ang pagpapakasal ng mga bakla, pero hindi siya ang magpapakasal.

Mayroon din siyang binitiwang statement nang tanungin, na may kaibigan siyang bading na nagkagusto sa kanya, pero alam naman daw noon na hindi siya papatol, pero magkaibigan sila. Wala naman daw siyang pakialam kahit na ba­ding pa, basta kaibigan niya.

In fairness, wala namang sinabi si James kung artista rin ang ba­ding na nagkagusto sa kanya. Hindi rin naman niya sinabi kung sino sa mga kaibigan niya ang alam niyang ba­ding.

Kung titingnan mo, sasabihin mong napaka-libe­ral ng utak ni James, pero naroroon pa rin naman iyong paghawak niya sa moralidad. Iyang moralidad ng isang tao ay laging may questions. Sabihin nating nakakahawak pa si James doon sa “accepted morality”.

At least masasabi mo ngang maganda pa rin siyang example sa mga kabataan, dahil ipinapakita lang niya na maaari namang magsaya at mag-enjoy ng kabataan na hindi gumagawa nang mali. Nasa tao na nga naman iyan, pero karamihan kasi ng kabataan ngayon hindi naman kagaya ni James.

Amalia Fuentes naka-recover na

Natuwa naman kami nang mabalitaan namin noong isang araw na maayos na ang kalagayan ng movie queen na si Amalia Fuentes. Nakagisnan namin noong panahong bata pa kami na siya ang kinikilalang movie queen.

Kasama ang mga mas nakakatanda naming mga pinsan noon, natatandaan namin na pinapanood namin ang mga fantasy movies na nagawa niya kagaya ng Prinsesang Kalapati at Prinsesa Naranja.

Noong araw, sinasabing isa siya sa pina­ka­ma­gan­dang babae sa Pilipinas. Kung tawagin nga siya noon ay Elizabeth Taylor of the Philippines.

Ngayon ay 76 na pala siya at na-stroke pa noong magbakasyon siya sa Korea at matagal ding na-ospital. Bago iyon marami rin kasi siyang pinagdaanang problema. Nag-split sila ng kanyang second husband, nakalaban pa niya ang pamilya ng kanyang anak na si Liezl nang yumao iyon. Mga matitinding dagok iyon sa buhay na dinaanan ng dating movie queen. Pero maganda naman ang balita na mukhang naka-move on na siya at malapit nang maka-recover sa stroke. Sana magbalik din siya bilang isang artista. May project na nga noon eh, sayang lang hindi natuloy.

Atom Araullo tumiwalag na sa pagiging reporter ng ABS-CBN

Nag-resign na pala si Atom Araullo bilang reporter ng ABS-CBN News. Sayang, magaling na reporter pa naman si Atom. Natatandaan pa ba ninyo ang ginawa niya noong Yolanda?

Maraming ispekulasyon sa kanyang pag-alis pero wala pa siyang sinasabi kung bakit siya tumiwalag sa Kapamilya Network.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with