^

Pang Movies

Piolo pinuri ang kabaitan sa New Zealand!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakabalik na sa bansa ang grupo ng Regal movie na Once In A Lifetime mula sa shooting sa New Zealand na pinangungunahan ni Piolo Pascual kasama ang leading lady niyang si Yen Santos, child actor na si Raiko Mateo at Jerald Napoles.

Mahigit sampung araw silang nanatili sa ibang bansa at walang naging aberya habang nagsu-shoot sila. Very cooperative ang weather at nakunan ang malaking bahagi nito sa magagandang tanawin sa NZ.

All praises ang staff and crew sa kabaitan ni Papa P. Bilang ganti naman sa pag-aasikaso sa kanya, nag-blow out si Piolo sa lahat after ng last day shoot nila roon.

Ipagpapatuloy dito ang ibang bahagi pa ng pelikula. Nais din kasi ni Piolo na mailabas ang balik-movie niya sa Regal this year lalo na’t ganado siya sa paggawa ng mga pelikula ngayon.

Mula sa direksyon ni Dondon Santos ang OIAL at kasama rin sa cast sina Joel Torre, Tirso Cruz III at iba pa. Isa lang ang pelikula sa sampung mo­vies na naka-line up na gagawin ng Regal.

Ngayong September, ang pelikulang My Rebound Girl naman nina Alex Gonzaga at Joseph Marco ang next offering ng film outfit.

Mayor Bistek ayaw tigilan ng mga ‘kalaban’

Nasa Oslo, Norway ngayon si Mayor Herbert Bautista bilang bahagi ng government peace panel representatives. Patunay lang na may tiwala sa kanya ang kasalukuyang administrasyon kaya bahagi siya ng peace panel ng gobyerno.

Kaya wala siyang alam sa kasong isinampa sa kanya sa Ombudsman ng isang non-governmental organization sa diumano’y kapabayaan sa pagsugpo ng illegal drugs, neglect of duty at iba pa. Pero naniniwala kaming handang harapin ni Mayor Bautista ang mga akusasyong ‘yon sa kanya.

Unfair kay Mayor HB na pagbintangan ng kapabayaan dahil lamang sa pag-amin ng kapatid na si Konsehal Hero Bautista na naging biktima siya ng droga. Malaking lungsod ang QC na mas una niyang responsibilidad kesa bantayan ng 24/7 ang nakababatang kapatid, huh!

Para namang walang nagagawa sa QC si Mayor kung makapagsa­lita ang ilang grupo riyan. Kung walang nagawa, wala na siya sana sa puwesto nga­yon, huh!

‘Yan ang mahirap sa mga ilang kritiko eh. Nakikita ‘yung isang mali pero ‘yung maraming kabutihang nagawa, bulag-bu­lagan sila!

Shut up na lang ang mga walang magawa kundi manilip ng pagkakamali ng isang opisyal, kesa pahalaga­han ang mga accomplishment, huh!

Bela at Arci lutang na lutang sa Camp Sawi

Umangat ang kahusayan nina Bela Padilla at Arci Muñoz sa pelikulang Camp Sawi. Tawang-tawa ang manonood sa mga kakikayan nila sa buong movie.

Pero hindi lang ang akting nina Bela at Arci ang nagmarka sa manonood kundi ang buong pelikula.

Gandang-ganda sila sa istorya at pagkakagawa nito. Kaya hindi nakapagtatakang binig­yan ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board, huh!

Tangkilinin natin ang local movies at sabi nga ni Direk Antoinette Jadaone, ibabalik niya ang pera ng nakapanood kapag hindi nila nagustuhan ang Camp Sawi, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with