^

Pang Movies

Cristalle handa na sa kasal sa lugar ng mga rich and famous

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Getting ready nang lumipad sa Lake Como, Italy si Cristalle Belo at ang kanyang pamilya para sa nalalapit na pagpapakasal niya kay Justin Pitt.

Sunud-sunod na rin ang mga bridal shower para kay Cristalle na excited nang maging Mrs. Pitt.

Napaka-romantic na lugar ng Lake Como kaya ito ang napili nina Justin at Cristalle na pagdausan ng kanilang pag-iisang dibdib.

Nagkaroon ng awareness sa Lake Como ang masang Pilipino dahil doon kinunan ang mga eksena ng romantic at feel good movie nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Imagine You and Me.

Popular sa mga rich and famous ang Lake Como kaya dito nakatira ang mga mayayaman na pamilya. May bahay sa Lake Como ang American actor na si George Clooney.

Anak nina Dr. Belo at Hayden isang taon pa lang pero nakakabasa na

Flower girl sa Pitt-Belo wedding si Scarlet Snow, ang anak nina Mama Vicki at Hayden Kho, Jr.

Nagpa-practice na si Scarlet ng paglalakad ng isang flower girl at knowing her, magnanakaw siya ng eksena sa kasal ng kanyang Ate Cristalle.

May feeling ako na sobrang taas ng IQ ni Scarlet dahil nakakapagbasa na siya, kahit one year and six months pa lang ang edad niya.

Direk Irene ng Camp Sawi magiging mabenta na

Lalong lumakas ang Camp Sawi sa fourth day nito sa mga sinehan dahil kumalat na nga ang tsismis na maganda ang pelikula ng Viva Films.

May mga kuwento na nagpapalakpakan ang mo­vie­goers dahil aliw na aliw sila sa mga eksena na napanood nila.

Expected ang reaksyon ng manonood dahil ganoon din ang inasal ng mga dumalo sa premiere night ng peli­kula noong Martes. Super clap sila sa mga eksena at mga dialogue nina Andi Eigenmann, Arci Muñoz, Bela Padilla, Kim Molina at Yassi Pressman na pare-parehong nagpakita ng galing sa pag-arte.

Hindi malayo ang possibility na mabigyan ng bagong movie project ang direktor na si Irene Villamor dahil nagpakitang-gilas siya sa Camp Sawi.

Hindi lamang mahusay na direktor si Irene dahil magaling din siya na scriptwriter. May kinalaman siya sa mga linya nina Congresswoman Vilma Santos at Angel Locsin sa blockbuster movie na Everything About Her.

Mga artistang todo-share ng drama sa buhay, nagagalit ‘pag pinakikialaman!

Hindi magandang role model ang mga artista na mahilig mag-post sa social media ng kanilang mga drama sa buhay pero super patol at nakikipag-away sa haters at bashers.

Kung ayaw ninyo na mapintasan at kung gusto n’yo ng tahimik na buhay, tigilan n’yo na ang sharing in the city ng inyong personal activities.

Hindi ninyo puwedeng i-please ang madlang-bayan dahil hindi naman malawak ang pag-iisip at pang-unawa ng lahat ng mga tao.

Kung hindi naman ninyo mapigilan ang sarili na huwag mag-post sa social media, dedmahin n’yo na lang ang mga rude comment o i-block at i-delete ang bashers at haters.

Inis-talo ang laro sa social media. Kapag nagpaapekto ang mga artista, sila ang talo dahil sinasayang nila ang panahon at energy sa pakikipag-away sa mga tao na complete stranger sa kanila.

Kung type ninyo ang mapayapa na buhay, palaging isa-isip at isa-puso ang lyrics ng isang kanta, “Let there be peace on earth and let it begin with me. Let there be peace on earth, the peace that was meant to be.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with