^

Pang Movies

Yen nagpalabuy-laboy sa Hong Kong

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Yen Santos ang ika-apat na anniversary special ng ABS-CBN hit legal drama na Ipaglaban Mo mamaya kung saan tampok ang kuwento ng isang overseas Filipino worker na biglang sinibak sa trabaho.

Tulad ng maraming Pilipino, nais ni Libay (Yen) na matulungan ang kanyang pamilya. Kaya naman naisipan niyang magtrabaho sa ibang bansa at tumungo sa Hong Kong para manilbihan bilang janitress o chambermaid.

Masipag sa trabaho si Libay. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang katrabahong si Precy (Kitkat) ay naiinggit pala sa kanya. Siniraan ni Precy si Libay sa kanilang mga amo kung kaya’t bigla siyang tinanggal ng mga ito sa serbisyo.

Nagpalabuy-laboy si Libay at sa lansangan na lang natulog dahil walang ibang malapitan.

Gusto niyang umuwi ng Pilipinas ngunit wala naman siyang pera para makauwi.

Makahanap kaya si Libay ng tulong? Paano siya makakabalik ng bansa?

Kasalukuyang ipinagdiriwang ng Ipaglaban Mo ang ikalawa nitong anibersaryo sa ere. Simula ng ipinalabas ang programa sa ABS-CBN noong 2014, palaging wagi ang programa sa timeslot sa national TV ratings dahil na rin sa napapanahon nitong mga kwento na hindi lang nagbabahagi ng magagandang aral, nagtuturo rin sa mga manonood ng kanilang karapatan bilang mamamayan ng bansa.

Hinigitan pa ng programa ang dedikasyon nitong makatulong dahil linggu linggo ding nagbibigay ng libreng legal consultation sa publiko ang hosts na sina Atty. Jose at Jopet Sison sa pakikipagtulungan sa ABS-CBN Tulong Center.

Mapapanood ang Ipaglaban Mo episode na OFW sa ilalim ng direksyon ni Eric Quizon mamaya, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Panoorin muli ang nakaraang episodes ng programa via iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with