^

Pang Movies

Daniel at Kathryn gusto lang magpasaya ng fans

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Inuunahan na agad nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ayaw nilang masyadong mag-expect  sa kanilang bagong movie na Barcelona: A Love Untold na isang romantic-drama sa direksyon ni Direk Olivia Lamasan na release ng Star Cinema.

Pero confident ang dalawa sa kanilang mga interview na ang habol nila ay mas mapasaya ang kanilang fans sa magandang material ng kanilang pelikula. Sigurado raw makaka-relate ang mga manonood sa movie na umiikot ang kuwento sa magulang at anak. Aminado rin si Daniel na nag-level up ang kanilang kuwento na higit pa sa kilig dahil mas pampamilya ang kanilang pelikula na promise nito na magugustuhan ng viewers.

Ayaw magpadala sa pressure ng KathNiel love­team dahil buo ang tiwala ng dalawa sa mahusay na pagdidirek ni Inang Olive Lamasan.

Nagpapasalamat naman si Daniel kay Direk Olive dahil napaka-dedicated at perfectionist nitong katrabaho kaya mas lalong ginanahan at inspired ang aktor habang ginagawa nila ang movie na halos 90% ay kinunan sa Barcelona, Spain.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with