^

Pang Movies

Miracles are Forever bigatin ang mga artista!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Grabe ang casting ng pelikulang Miracles Are Forever sa direksyon ni Carlo J. Caparas na produced naman ng Golden Lions Films. Isa itong trilo­gy based sa libro na akda ng El Shaddai leader na si Bro. Mike Velarde at siyang nanguna sa kanilang 31st Anniversary nitong August 20. Kasabay din nito ang kanyang kaarawan. Happy Birthday Bro. Mike! 

As I was saying, grabe ang casting ng pelikulang ito, dahil nagsama-sama ang mga sikat at mabibigat na artista sa showbiz. Kabilang dito sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Richard Gutierrez, Ara Mina, Sid Lucero, John Arcilla, Assunta de Rossi, Alonzo Muhlach, TJ Trinidad, Yassi Pressman, Arci Muños, Mark Newmann, Ryan Eigenmann, Jackielou Blanco, John Regala, Ricardo Cepeda at marami pang iba.

Kilala naman natin si Direk Carlo na pagdating sa paggawa ng mga istorya ay talagang pipigain niya ang kanyang utak sa ikagaganda ng proyekto. 
Oh, kabang-abang, ‘di ba? I’m sure na maraming makaka-relate sa movie na ito sapagkat lahat naman ng tao’y may kanya-kanyang pinagdaraanan tulad ng sakit, problema sa pag-ibig, at kung anu-ano pa.

Miracles happen everyday. We just have to believe and pray! Kaya timing talaga para sa mga manonood ang isa sa pinakamalaking pelikula ng taon na ipapalabas sa mga sinehan sa September 7, 2016.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with