^

Pang Movies

Tom gustong seryosohin ang pagiging makakalimutin

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Gustong maging genuine ng Kapuso leading man na si Tom Rodriguez sa pagganap niya bilang isang lalaki na nagkaroon ng sakit na early on-set Alzheimer’s Disease sa teleserye na Someone To Watch Over Me.

Kaya kahit na may mga nag-suggest na panoorin niya ang mga pelikula tungkol sa Alzheimer’s Disease tulad na lang ng Still Alice ni Julianne Moore (kung saan nanalo ito ng Oscar best actress), pinili ni Tom na huwag nang gawin iyon para fresh ang approach niya sa character niya.

“I did my own research on this sickness at nakakatuwang isipin na may mga support group existing in our country who are constantly searching for a cure sa sakit na ito.

“I met with some of them. Nakipag-immerse ako with people na may Alzheimer’s. Nakipagkuwentuhan ako sa family members nila. Naiintindihan ko na kung bakit masakit para sa mga taong ito na may ganitong sakit ang mahal nila. Kasi mahirap tanggapin ang katotohanan na unti-unti nang nawawala ang mga magagandang memories.

“Kaya that inspired me more to give my all sa mga eksena ko sa teleserye. Hindi kasi puwedeng half-bake lang, eh. It’s all or nothing.

“Kaya physically and emotionally draining ang role ko rito. Malayo sa last teleserye ko na MariMar. This is more physically, emotionally and psychologically demanding.

“Sabi ko naman kay Direk Maryo (delos Reyes), I am up for the challenge. I know how he works and I am always ready to give it my all bilang artista niya sa teleserye,” pagtapos pa ni Tom Rodriguez.

Komedyanang si Lovely, ‘mamanugangin’ ni Jose

“Daddy” ang tawag ng dancer-turned-comedienne ng Sunday PinaSaya na si Lovely Abella sa komedyanteng si Jose Manalo.

Kung bakit “daddy” ang tawag ni Lovely kay Jose, ito ay dahil boyfriend nito ang anak ni Jose na si Benj Manalo.

Si Benj ay isang theater actor at kasalukuyang lumalabas sa musical na Rak Of Aegis kung saan kasama nito si Aicelle Santos. Napapanood din si Benj sa ilang programa ng ABS-CBN at kapatid nito ang indie actor na si Nicco Manalo.

Inamin ni Lovely na two years na silang may relasyon ni Benj at nagsasama na sila sa iisang bubong.

 “Mabait po si Daddy Jose at lagi niyang kaming kinukumusta ni Benj,” ngiti pa ni Lovely.

Aware si Lovely na hindi masyadong maayos pa ang relasyon ng mag-ama, pero pinagdarasal nito na balang-araw ay magkasundo na silang dalawa.

Nagsimula pala si Lovely bilang isa sa mga dancer sa game show ni Willie Revillame na Wowowillie sa TV5. Noong mawala ang show ay sinubukan ni Lovely ang suwerte niya sa GMA 7.

Bukod sa Sunday PinaSaya (na nag-celebrate ng one year anniversary) ay napapanood din siya sa Calle Siete at Conan, My Beautician.

Magaganda at matatalino puwede pa sa Miss World

Ang GMA-7 at ang Viva ang muling ka-partner ni Ms. Cory Quirino para sa pagtanghal ng 2016 Miss World Philippines.

Naganap ang contract-signing nila noong August 23.

Kaya nanawagan si Ms. Cory sa lahat ng mga magaganda at matatalinong babae na interesadong sumali sa Miss World Philippines na humabol sa final screening on August 29.

Registration starts at 11 a.m. and the screening proper is at 1 p.m.

Naging successful si Ms. Cory at ang kanyang CQGQ sa pag-produce ng Miss World Philippines since 2011. Every year ay napapansin ang mga pinapadala nating representative sa Miss World Beauty Pageant.

Tulad na lang ni Gwendoline Ruais na nag-place as first runner-up noong 2011.

Sumunod na taon ay si Queneerich Rehman na nakapasok sa Top 15 semi-finalists in 2012.

In 2013, napanalunan ng Pilipinas ang kauna-unahan Miss World title with representative Megan Young.

Valerie Weigmann reached the Top 25 quarter finals in 2014.

And last year, Hillarie Parungao got into the Top 11 semi-finals. The Miss World Philippines coronation night is set to air on September 25.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with