^

Pang Movies

Andre balik sa pagbuntot kay Barbie!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masaya si Andre Paras na sa second year ng top-rating Sunday comedy/game show ng GMA-7, ang Sunday PinaSaya (SPS) ay magiging mainstay na siya nito. At sino nga ba ang ka-love team niya kundi ang paborito niyang leading lady na si Barbie Forteza.

May isa pa siyang bagong show, ang Encantadia kung saan ginagampanan niya ang role na dating ginampanan ng amang si Benjie Paras, si Wahid, kasama si Ruru Madrid as Ybarro/Ybrahim. Iyon daw ang reason kaya makapal ang balbas niya ngayon.

Nagkaroon kami ng chance na matanong si Andre after the presscon. Bakit nga ba niya in-unfollow si Barbie sa Twitter. May tampo ba siya kay Barbie? “Hindi po, wala po kaming away ni Barbie, wala kaming hindi pagkakaintindihan,” natatawang sagot ni Andre.

“Hindi po lamang si Barbie ang in-unfollow ko, lahat ng friends ko, at ang itinira ko lamang ay ang Twitter accounts ng GMA News, basta tungkol sa mga news, para madali kong malaman ang latest reports at hindi maguluhan ang isip ko. Pero mali pala, kailangan ko pa rin ang mga friends ko sa Twitter kaya ibi­nalik ko na rin silang lahat. Tinanggal ko na lamang iyong hindi ko naman madalas maka-tweet at hindi ko rin masyadong kilala.”

Ilang linggo na rin siyang napapanood sa SPS, kumusta naman sila ni Barbie? “Wala po namang nabago, ganoon pa rin kami after ng ilang taon na rin namang magkasama kami sa mga drama series na nagawa namin, masaya lamang ako na puwede rin pala akong mag-comedy at live pa. Enjoy ako sa mga bago ko ring makakasama sa show.”

Babrie walang pinagsisihan sa naging relasyon kay Kiko

Sa kabila naman pala ng masayang ipinakita ni Barbie Forteza sa presscon ng Sunday PinaSaya she is now mending a broken heart. Dahil after four months na relasyon nila ni Kiko Estrada ay humantong ito sa wala. 

Tulad ng ibang mga artistang magkarelasyon, kakulangan sa oras para sa isa’t isa ang reason din ng break-up ng dalawa. Para raw kasing kulang ang oras nila sa kanilang trabaho, mayroong Sinungaling Mong Puso si Kiko at si Barbie, kahit live ang SPS every Sunday, kailangan din niyang mag-rehearse ng segments niya, lalo pa at click sa mga manonood ang role niya bilang si Kissy sa Star Buzz nila nina AiAi delas Alas at Wally Bayola, plus ang skit portions pa nila sa show na kasama si Andre Paras.

Dahil isa siyang masayahing tao, nakatitiyak kaming makakalimutan din ni Barbie ang nangyari sa kanila ni Kiko. “Nasaktan din po ako, pero no regrets, may natutunan ako at mawawala rin po ang feelings na ito,” sabi ni Barbie. “Kaya focus po muna ako sa work ko ngayon.”

Ang hindi pa alam ni Barbie ay kung totoo ang balitang maggi-guest sa SPS si Ms. Kris Aquino. Kung paano niya haharapin ito at kung paano siya tatanggapin nito ay hindi niya alam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with