^

Pang Movies

AiAi sa pinagagawang simbahan pakakasal!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Pabor na pabor si AiAi delas Alas sa mga ginagawa ngayon ni Pres. Rodrigo Duterte sa bansa lalo na nga ang all-out drug campaign nito. “In fairness talaga, nagagalingan ako sa kanya (Pres. Duterte). Natutuwa ako kasi nagagalingan ako sa kanya dahil ‘yung mga pangako niya, tinutupad naman niya, eh.

“At saka, ‘yun naman ang gusto niya, ‘di ba? Linisin ang droga at linisin ang Pilipinas, gumanda ang Pilipinas, maging maayos tayong lahat. Tinutupad naman niya.

‘’Yun nga lang, sa ordinansa niya (may mga nasasagasaan), eh ‘yun ‘yung way niya, eh. Pero ako, okay sa akin ‘yung ginagawa niya,” pahayag ng Comedy Concert Queen.

Kinokondena rin ni AiAi ang mga taong nagbebenta ng droga na aniya ay wala raw sa tamang pag-iisip. “Isa ‘yun sa dahilan kung bakit siya naibalik (sa rehabilitation center). So, siguro, naiintindihan ninyo kung bakit ako pabor (sa all-out war on drugs ni Duterte) kasi alam ko kung ano ang resulta ng mga taong nalulong sa droga,” sey pa ni AiAi.

Samantala, sa love life naman niya, natanong din ang Comedy Queen kung balak na ba nilang magpakasal ng boyfriend niyang si Gerald Sibayan. “Hindi pa, matagal pa. Kasi mag-iipon pa siya, eh. ‘Yun ‘yung gusto niya,” sabi ni AiAi at pinuri ang BF sa pagiging ma-prinsipyo nito.

So, ibig sabihin, nanghihingi siya ng magandang wedding? “Oo, talaga! Nanghihingi talaga ako,” sambit niya.

Kung sakali ay dito na raw siya magpapakasal at gusto niya ay sa simbahang pinapagawa niya sa Commonwealth sila ikakasal. “Hihintayin ko siyang magawa. Gusto ko talaga ro’n. Bassilica ‘yun, eh.”

So, mga ilang taon pa? “Mga 4 years pa, matagal pang magawa ‘yung simbahan.”

Sa ngayon ay on-going daw ang construction ng church at may mga tumutulong at nagdo-donate naman daw para makatulong sa pagpapagawa. “Ayoko sanang pag-usapan, pero thank you nga pala kay Bossing (Vic Sotto), nagbigay si Bossing. Lumapit din ako kay Willie (Revillame). Lahat ng mayayaman, nilalapitan ko,” natatawa niyang sabi.

Hindi naman siyempre biro talaga ang magpatayo ng isang simbahan kaya naman naghihingi rin ng tulong si AiAi. “At saka, kailangan ‘yun, may pillars kasi, itatayo ‘yung pillars. So, medyo malaki. Pero sinusulatan naman sila ni Archbishop,” sey ni AiAi.

Panganay ni Kring-Kring na si Sofia type maka-duet si James Reid, crush si Liza

May bago na namang protégé si Boss Vic del Rosario, and this time, ang 17-year-old daughter nina Alfred and Cristina Romualdez of Tacloban City na si Sofia Romualdez.

Pumirma ng limang taong kontrata si Sofia sa Viva Artists Agency at musika ang larangang kanyang papasukin na hindi naman kataka-taka since dati ring singer/actress ang mommy niya na ngayon ay Mayor na ng Tacloban.

Unang naispatan ni Boss Vic si Sophia nang makita niya ang performance ng teener sa social media at Sangyaw Music Festival in Tacloban last June.

Kaagad niyang kinontak si Aster Amoyo na publicist ng mag-asawang Alfred and Cristina at ipinahayag ang interes niya na kuning talent si Sofia.

Ayon sa bagets, na-shock siya and at the same time ay na-excite nang malamang interesado si Boss Vic sa kanya. “I was just shocked, I didn’t expect it but I’m so excited,” pahayag ni Sofia nang makatsikahan namin before the contract signing.

Sofia is a multi-talented artist kaya dapat lang talaga na pasukin niya ang music industry. She sings well, writes songs, plays the piano and guitar, at may sarili siyang estilo sa pagkanta. She has a distinctive voice na talagang kanya lang and she’s really good.

Sa kanyang pagpirma sa VAA, isa sa nakaplano kay Sofia ay big­yan ito ng sariling album na siyang matagal nang dream ng bagets.

When asked kung gusto rin niyang subukan ang pag-arte, ang bilis ng sagot ng dalagita. “No, I don’t think so. I can’t act like I’m so bad (in acting). And I’m not that good in Tagalog,” she said.

Natanong naman kung sino ang girl crush niya, aniya ay si Liza Soberano. Sa mga aktor, ang showbiz crush daw niya ay si James Reid na kakuwadra na niya sa VAA kaya mas lalo siyang na-excite partikular na sa idea of meeting him and singing with him.

Pero gusto rin daw niya ang KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla) at AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza). “I like them all,” say pa ng bagets.

Aside from having her own album, looking forward din si Sofia to perform in a concert and eventually siyempre to have her own concert.

When asked kung ready na ba siya sa bashers and haters, nakangiti pero tila nahihiya niyang sagot, “I’m used to that”.

Matatandaang katakut-takot na pangba-bash ang inabot ni Sofia noong elek­syon dahil sa mga hindi magagandang pananalitang nai-post niya about Vice President Leni Robredo but she and her mom already apologized for that.

So, how does she deal with her bashers and haters? “I just close my laptop,” natatawa niyang sey.

Pero kung may bashers ay marami rin naman daw siyang supporters who like her music and encourage her na pasukin ang pagkanta at karamihan ay kasing-edad niya. And for this, very thankful si Sofia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with