^

Pang Movies

Marian nagbago ang isip, ayaw na ng 12 na anak!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masaya ang presscon to launch the second year na ng Sunday comedy noontime show na Sunday PinaSaya (SPS) na nagsimulang mapanood noong August 9, 2015. 

Natanong ang mga host na sina AiAi delas Alas, Marian Rivera-Dantes, Wally Bayola, (wala si Alden Ri­chards na may taping ng Encantadia at si Jose Manalo na may sakit kaya hindi rin nakapag-report sa Eat Bulaga last Wednesday), kung in-expect ba nilang makarating sila sa first anniversary, to think na lahat daw ng mga noontime show na ginawa at itinapat sa kabilang network ay hindi naman naging successful na talunin sila sa rating. 

Pero sila, wagi sila every Sunday at napili pa silang Best Variety/Game Show of the Year ng PEP List 3.

“Hindi namin in-expect iyon, dahil nang ilatag sa amin ni Tatay (Tony Tuviera) ang show, gusto lamang niya, magpasaya kami ng mga manonood. Si­guro, nakatulong sa amin iyong off-cam bonding namin at suporta sa isa’t isa habang nagsu-show. Madalas, kami-kami na ang nag-aadlib pero nasasalo naman namin, iyon nga lamang minsan nakakalimutan namin ang oras at madalas kaming mag-over time.”

After the presscon, sinagot ding lahat ni Marian ang mga tanong sa kanya, isa na rito ang balitang papasok o maggi-guest sa show si Queen of All Media Kris Aquino, na sabi’y si Mr. T na ang lead manager ngayon.

“Siyempre iwi-welcome ko siya,” sagot ni Marian. “Unang-una, ninang namin siya ni Dong.  Saka wala naman akong masasabi sa kanya dahil napaka-professional niya. Nang kumbidahin nga siya para mag-guest sa Yan Ang Morning, pumayag siya agad at nakita naman nating nag-enjoy siya sa show.”

Nabanggit din namin kay Marian na nakakatuwa si Baby Zia, na noong 9th month birthday nito, August 23, nagsalita na ito at tinawag siyang “mum, mum” at na-video nila ni Dingdong iyon habang tuluy-tuloy ang pagtawag sa kanya ng anak.

“Nakakaiyak pala iyong marinig mong tinatawag ka ng anak mo for the first time. Gusto ko na ngang umuwi kasi iniwanan ko siyang medyo may sinat at alaga ni Dong, kasi nagsimula na ring lumabas ang ngipin niya, ganoon daw talaga, sinisinat ang baby.”

Biro tuloy kay Marian, ilan pa ang gusto niyang maging anak nila ni Dong?

“Gusto ko after ni Zia, baby boy naman, then baby girl at baby boy ulit. Siyempre, loko ko lamang na gusto ko 12 maging anak, hindi ako biik. Kaya tama na iyong apat,” nagtatawang wika ni Marian at nagpaalam na sa mga kausap niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with