^

Pang Movies

Kahit magaling na, Angel tuloy ang pagpapagamot sa Singapore!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Bagama’t sinasabi ni Angel Locsin na ok na ang kanyang health ngayon matapos siyang sumailalim sa medical procedure dahil sa may bumukol sa kanyang likod, sinasabi niyang babalik pa rin siya sa S­ingapore sa susunod na buwan dahil kailangang ma-check kung talagang ok nga ang naging resulta ng kanyang operasyon.

Pero natuwa kami sa sinabi ni Angel, na bagama’t mahalaga rin sa kanya ang kanyang career, mas mahalaga sa kanya ang kanyang kalusugan. Ang dahilan niya ay gusto niyang magkaroon ng anak pagda­ting ng tamang panahon, at ayaw niyang mahirapan siya sa panganganak.

Ang punto namin diyan, tama naman si Angel. Ang career lalo na sa showbusiness, hindi mo naman masasabing habang panahon iyan. Ang dami na nating nakita, o sabihin nating mas marami sa mga artistang sumikat noon at hindi na active ay hindi na rin naalala ng mga tao ngayon. Ang mas masakit pa, iyong mga matatanda nang artista ay hindi pa rin matanggap na wala na ang kanilang popularidad. Nagsusumiksik pa rin sila sa showbusiness kahit na sinasabing laos na sila. Ang sinasabing dahilan, wala naman kasi silang ibang pagkukunan ng kabuhayan kung titigil sila.

Pero ang pamilya, iyan ang makakasama mo sa habang buhay. Kaya nga natutuwa kami sa priorities ni Angel, nangunguna ang pagkakaroon niya ng isang mabuting pamilya.

May karanasan naman kasi si Angel. Hindi naman siguro natin maikakaila ang katotohanang siya ay nagmula rin sa isang broken home. Siguro dahil sa kanyang naging karanasan sa buhay kaya naman ang iniisip niya ay magkaroon ng mabuting pamilya, lalo na kung dumating ang panahon na hindi na rin ganyan ang kanyang popularidad.

Halikan nina Daniel at Kathryn mas binibenta kesa sa pelikula

Ang mukhang ginagawang issue ngayon sa pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay ang kanilang kissing scenes. Totoong kikiligin ang fans sa eksenang iyon, pero wala na bang masasabing ibang magandang bahagi ang pelikula nila maliban sa kissing scene?

Palagay naman namin marami silang mas magagandang eksenang ginawa sa kanilang pelikula. Isipin ninyo iyong dumayo pa sila sa abroad para lamang magawa ang pelikulang iyon, tapos pagdating dito ang ibubungad lang sa mga tao ay iyong kissing scene. Unfair naman iyon kina Daniel at Kathryn.

Kahit papaano naman ay nakapagpakita na rin sila ng kanilang kakayahan bilang mga artista. Mahusay naman ang kanilang performance sa mga nauna nilang pelikula at maging sa telebisyon. Na­ging hit din ang mga iyon kahit na walang kissing scene. Eh bakit naman nga­yon iyon ang gagawing punto ng promo ng kanilang pelikula?

Indie Films one day sa mga sinehan

Tawa kami nang tawa sa isang kritiko na nagkuwento sa aming nawindang daw siya sa kanyang ginawang panonood nang dalawang indie film nang magkasunod.

Ang balak niya ay manood ng apat dahil one day lang lahat iyon sa isang sinehan, pero hindi na raw niya natagalan.

Tapos hindi ba iyong mga advocate ng mga indie ay sinasabing sila ang bumubuhay sa industriya? Papaano mo sila matatawag na sine kung hindi naman sila napapalabas sa mga sinehan? Maski nga iyong mga mahihilig eh hindi sila napagtiyagaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with