^

Pang Movies

Marian pumiyok sa ginawa nina Angel at Jessy, ayaw ding makialam sa away nina Kris at AiAi!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kung si Marian Rivera ang tatanungin, wala naman daw problema sakaling totoo ang tsismis na lilipat na nga ng GMA 7 si Kris Aquino.

“Eh lahat naman ay welcome lumipat sa ibang network, hindi na nakakagulat ngayon na papalit-palit, kung saan-saan pumupunta ang mga artista, ‘di ba?” say ni Marian nang makausap namin sa 1st anniversary presscon for Sunday PinaSaya ng GMA 7.

Pero wala raw siyang alam kung confirmed na ba talaga na Kapuso star na si Kris dahil wala naman daw sinasabi sa kanila.

Lalong hindi raw niya alam kung totoo nga ang mga bali-balita na magge-guest si Kris sa Sunday PinaSaya but if ever, okay na okay naman daw sa kanya since kaibigan niya rin si Kris at ninang pa nila ni Dingdong Dantes sa kasal.

Hindi ba siya naiipit sa away nina Kris at co-host niya sa SPS na si AiAi delas Alas?

“Hindi naman. Sabi ko nga, kung wala namang ginagawang masama sa akin ang isang tao, bakit mo kailangang idamay ang isang tao, hindi ba?

“Mabait sa akin ‘yung Ninang Kris ko, at the same time, magkaibigan din kaming matalik ni Kambal (tawag niya kay AiAi), so walang mahahati para sa akin.”

Hindi kaya siya ang maging daan para magkaa­yos ang dalawa?

“Why not, ‘di ba? Pero may mga bagay na mahirap panghimasukan lalo na kung hindi mo alam kung ano ang pinagmulan.”

Hindi raw nila napag-uusapan ni Kris ang tungkol sa issue with AiAi at ganundin daw naman sa kabilang panig. Hindi rin daw nila ito napag-uusapan ng Comedy Queen.

Samantala, natanong din si Marian tungkol sa ginawa ni Angel Locsin kung saan ay itinag siya sa Instagram post ng caricature nilang dalawa nang aka-costume ng Darna.

“Actually, magkaibigan naman talaga kami ni Angel at wala naman kaming naging problema na parang magkaaway. Walang ganun,” pahayag ng Kapuso Primetime Queen.

Wala rin daw siyang makitang masama sa pagpo-post ni Jessy Mendiola sa larawan nito sa Instagram kung saan ay si Marian ang nasa background.

“Nag-post siya (Jessy) sa Instagram niya, wala namang masama kasi before pa naman, ginagawa niya talaga ‘yan,” say pa ni Marian.

Wala raw siyang kaaway isa man kina Angel at Jessy at dapat pa nga raw siyang maging thankful sa mga ginagawang gestures ng mga ito sa kanya.

“Ang bait nila at napaka-friendly nila sa akin,” sey pa ni Marian.

Samantala, nakaka-isang taon na ang Sunday PinaSaya at sobrang nagpapasalamat si Marian sa buong cast lalo na sa mga bumubuo ng produksyon lalo na sa mga writers.

“Actually, ang naghihirap naman talaga ay ‘yung mga writer. Nagno-nosebleed na nga sabi nila, kung ano ang gagawing treatment para lang mapaligaya ang mga tao tuwing Sunday”.

Dahil nga pumapasok na sa ikalawang taon ng SPS nila, mas makakaasa pa raw ang viewers ng mas magandang show.

Michael at Morisette makakasama sa concert ang 4th Impact at Arnel

Kaabang-abang naman talaga ang Powerhouse concert produced by Lucky 7 Koi Productions, Inc. na gaganapin sa The Theatre of Solaire Resort & Casino on Oct. 28, 2016 dahil pinagsama-sama ang mga world class performer na sina Arnel Pineda ng The Journey, ang Kilabot ng Kolehiyala na si Michael Pangilinan, The Next Big Diva na si Morisette at ang X Factor UK finalist na The 4th Impact.

For Michael and Morisette, first time nilang makakasama on stage ang mga magagaling na performers na ito kaya naman aminado silang abut-abot ang kanilang kaba and at the same time ay honored of course.

“Ako po,” say ni Michael sa presscon para sa nasabing napakalaking concert,  “Nung nalaman ko na kasama nga po ako sa production na ito, dito sa concert na ito, siyempre, natuwa ako kahit na alam kong siyempre, family and parang mommies (the producers) ko na silang lahat, pero iba pa rin ‘yung bigyan ka ng chance na kasama si Mr. Arnel Pineda, Morisette, at ang iba pa pong magpe-perform sa concert, siyempre, nakakatuwa kasi isa rin po ako sa may chance makapag-perform sa isang malaking venue like Solaire.”

Ayon naman kay Morisette, sobrang grateful daw siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng mga producer. “And to be sharing the stage, of course, with the one and only Mr. Arnel Pineda, sobrang nakaka-warm po kasi siyempre, ako po, galing akong Cebu and then, we decided to relocate to Manila to follow my dreams with my very supportive family and dati po, pinapanood at pinapakinggan ko lang po si Sir Arnel at ngayon na makakasama ko na po siya, it’s like a dream pa rin po,” pahayag ni Morisette.

Sa totoo lang, sobrang ambisyoso ng concert na ito not to mention the fact na napakadugo dahil nga mga international performers ang kasama nina Michael at Morisette.

Pero hindi problema sa producer ang budget at say nga nila, walang kahirap-hirap na nabuo ang concert since naka-ready na agad ang pang-downpayment nila sa mga performer.

May tour si Arnel sa ibang bansa kaya hindi nakarating sa presscon pero dadating daw ang international singer sa Pinas by the end of September habang ang The 4th Impact naman ay dadating on the 2nd week of October.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with