^

Pang Movies

Pacman nakaligtas sa batikos, putakan nina Pres. Digong at Sen. De Lima mas mabenta

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagsimula na ang boxing training ni Senator Manny Pacquiao para sa laban niya sa November 2016 sa Las Vegas.

Done deal na ang pagbabalik ni Papa Manny sa boxing ring kaya wala nang magagawa ang haters at bashers niya.

Actually, dedma muna kay Papa Manny ang kanyang mga kritiko dahil nakatutok ang atensyon nila sa palitan ng maaanghang na salita nina President Rodrigo Duterte at Senator Leila de Lima.

Mas juicy kasi ang mga pasabog ni Papa Rody tungkol sa personal life ng senadora na makulay ang lovelife, kung paniniwalaan ang mga claim ng pangulo natin.

Francis Tolentino dawit sa bagong ‘lover’ ni De Lima

Hindi shocking ang revelation ni Papa Rody tungkol sa hagad ng MMDA na natsitsismis kay Senator Leila de Lima.

Una kong narinig ang kuwento mula kay ex-Senator Jinggoy Estrada nang dalawin ko siya noon sa  Camp Crame.

Si Papa Jinggoy ang nagbanggit sa name ni Warren Cristobal at ang kaugnayan nito kay De Lima kaya hindi ko na ikinagulat ang mga pahayag ni Papa Rody.

Buong ningning na sinabi ng pangulo na nalaman niya ang impormasyon mula kay former MMDA Chair Francis Tolentino.

Ewan ko lang kung magsasalita o kukumpirmahin ni Papa Francis ang report ni Papa Rody na siya ang itinuturo na source.

Dahil sa pasabog ni Papa Rody, kanya-kanya ng research ang mga reporter tungkol sa tunay na pagkatao ni Cristobal na biglang nawalan ng privacy.

Mula sa driver/bodyguard na si Ronnie Dayang, naba­ling ang atensyon ng madlang-bayan kay Warren na member pa rin ng security staff ni Mama Lie este Mama Leila.

May mga question si Papa Jinggoy na ipinasasagot kay Mama Leila tulad ng “Ikaw ba ang bumili ng mga sasak­yan ni Warren? Mga jeep, kotse at mga motorsiklo??? “

Abangan natin ang mga susunod na kabanata kung pa­patulan ni Mama Leila ang mga nakakaintriga na tanong ni Papa Jinggoy.

Barbie naka-move on agad kay Kiko

Sandali lamang ang itinagal na relasyon nina Barbie Forteza at Kiko Estrada kaya tiyak na mabilis na makaka-move on ang young actress.

Tumanggi si Barbie na magbigay ng detalye tungkol sa break up nila ng anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz pero napansin ng mga reporter na nakausap niya sa presscon ng Sunday PinaSaya noong Miyerkules na walang bitterness sa boses ng dalaga.

Masayahin at likas na kikay ang impersonator ni Kris Aquino kaya mahirap arukin ang kanyang tunay na nararamdaman.

Parang mas kabado pa nga si Barbie sa nalalapit na pagkikita nila ni Kris na napapabalita na posibleng umapir sa mga future episode ng Sunday PinaSaya.

Tumatanaw si Barbie ng malaking utang na loob sa Sunday show ng GMA 7 at APT entertainment dahil dito niya na-discover na may talent din siya sa pagpapatawa.

Kissy na nga ang tawag kay Barbie ng fans na aliw na aliw sa perfect impersonation niya kay Kris.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with