^

Pang Movies

Aljur, Rocco, Derrick at Jake paiinitin ang manonood ng concert!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Promise nina Aljur Abrenica, Rocco Nacino, Derrick Monasterio at Jake Vargas na magiging isang naughty night ang first major concert na gagawin nila sa Music Museum sa Friday, September 23, 8:00 pm.

Unang nagkasama-sama ang apat noong mayroon pang Sunday All Stars sa GMA 7 na madalas sing and dance ang kanilang mga production numbers.  Kaya thankful sila na nabigyan sila ng pagkakataon ng kanilang mother studio na igawa ng isang concert. 

Pare-parehong sought-after leading man ang apat kaya biruan kung paramihan ba sila ng mga fans na manonood.

Ayon kay Aljur dream nilang after ng Music Museum, mabuo na sila as a boyband, magtuloy ito sa mall tour at hopefully, album na magkakasama silang apat. 

Ang tatlo na sina Aljur, Derrick at Jake ay pare-pareho nang may album, si Rocco na lamang, na more on acting ang ginagawa at for the concert ay nagkaroon ng voice lessons, ay gustong makasama siya sa album. Para sa concert, magkakaroon sila ng kani-kanilang character na ipakikita. 

Si Aljur, isang motorbike rider, si Rocco, isang police officer, si Jake isang pizza boy, si Derrick, kung ano raw ang ma-feel niya that moment, iyon ang gagawin niya dahil naughty professor siya. 

Dagdag pa nila, basta lahat ng mga isusuot nila sa concert, madaling tanggalin kaya kailangan daw lakasan ang aircon sa loob ng Music Museum dahil paiinitin nila ito.

Basta gagawin daw nila ang best nila dahil bukod sa duet at group singing, may solo-solo rin silang gagawin.  Like si Jake, tutugtog daw siya ng gitara habang inaawit ang bagong song ng The Chainsmokers. 

Sinabihan naman si Derrick ng mga kausap na press people na huwag na siyang magpaka-classic song at sumabay sa mga kasama niya sa bagong tempo ng kanta.

Pare-pareho silang loveless at sabi’y wala silang time for love ngayon, nagkabiruan kung iimbitahin ba nilang manood ng concert ang mga ex-girlfriends nila,  gaya nina Kylie Padilla at Louise delos Reyes ni Aljur, si Bea Binene for Jake, si Lovi Poe for Rocco at si Issa Pressman for Derrick. 

Biro ng apat, why not, pero bibili sila dapat ng ticket kasi paano raw kikita ang concert nila kung libre ang ticket.  Welcome daw silang lahat.

Very special guest nila sa gabing iyon si Julie Anne San Jose.

Produced by Dreamstar Events, in cooperation with Bluewater Day Spa and GMA Corporate Communications, mabibili na ang tickets priced P1,500, P2,000, P2,500 in all Ticketworld and Ticketnet outlets.

Lovi imbyerna sa ginawang pagdadaldal ng ex

Sumama pala ang loob ni Lovi Poe sa dating boyfriend na si Rocco Nacino nang malaman niyang sinabi nito  sa presscon ng Oh, Boy! Concert na si Lovi ang nag-initiate ng break-up at hindi nila iyon mutual decision. 

Gusto pala ni Lovi na maging sikreto na lamang ang tungkol sa kanilang break-up ni Rocco nang tanungin siya tungkol dito sa presscon ng Someone To Watch Over Me.

Friend pa rin ang turing niya kay Rocco hanggang sa ngayon dahil naging mabuti raw namang boyfriend ito noong sila pa at kung may gusto naman itong sabihin sa kanya, pwede naman.

Gusto raw lamang talaga niyang mag-focus ngayon sa work niya kaya ayaw muna niya ng love life lalo pa at very challenging ang role na ginagampanan niya sa bago nilang drama series.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with