^

Pang Movies

Why oh why kaya? Jodi at Richard malabo na uling magkasama sa TV at pelikula!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Special guest pala si Jodi Sta. Maria sa concert na pagsasamahan for the first time nina Richard Yap at Richard Poon, titled The Crooners Concert na gaganapin sa Friday (August 26) sa Kia Theater.

Magdu-duet ang dalawa.

In Richard Poon’s case naman, ang malamang na makaka-duet niya ay ang kanyang misis na si Maricar Reyes.

Samantala, malabo pang maganap ang pagsasamang muli nina Jodi and Richard sa isang TV o movie project.

Huling napanood ang dalawa sa isang Star Cinema movie na The Achy Breaky Heart, kung saan naka-triangle nila si Ian Veneracion.

Hindi pa rin sila puwedeng pagtambalin sa isang series, na siyang hiling sana ng mga viewer na regularly ay nanood noon ng Be Careful With My Heart.

Individually kasi, may kanya-kanyang silang commitment. Balitang gagawa ng pelikula si Jodi at si Direk Erik Matti ang magdidirek nito.

Si Richard naman ay mayroong Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, Mano Po VII: Tsinoy, which Mothers Lily’s production, Regal Entertainment, is producing. Naka-schedule rin siyang gumawa ng bagong serye sa ABS-CBN.

Jake nagse-seryoso na sa career

Kung nasaan man ngayon si Kuya Germs, otherwise known too as German Moreno, siguradong extra proud siya sa kanyang protégé na si Jake Vargas na napapanood sa mga serye ng GMA at ngayon ay isa na ring concert performer.

Makakasama ni Jake sina Aljur Abrenica, Rocco Nacino at Derrick Monasterio sa concert na Oh, Boy! na gaganapin sa Music Museum sa September 23.

Tutok marino, kumbaga, sa pagtulong si Kuya Germs kay Jake nang sumali ang huli sa show ni Mr. Showman na Walang Tulugan hindi lang dahil nakita niya ang potensyal kay Jake, kundi dahil na rin kailangang-kailangan talaga ni Jake ang tulong.

Jake’s mom was suffering from cancer. And Jake needed to have a big amount, para maipagamot ito.

Sayang nga lang at binawian din kasi ng buhay ang ina ni Jake. Tulad nang naganap kay Kuya Germs, a few years later.

Samantala, gaganap na leading man si Jake kay Inah de Belen, sa Kapuso upcoming series na Oh, My Mama.

Si Inah ay anak anak ng estrange couple na sina Janice de Belen and John Estrada.

Of the concert, Oh Boy, it is produced by Dreamstar Events. Julie Anne San Jose will be featured as special guest.

Kim ‘di pinalad sa isang milyon

Sayang, Salve A. at hindi napanalunan ni Kim Chiu ang umaatikabong P1-M pesos naoong maglaro siya sa Minute To Win It Last Man Standing, kamakailan.

Nag-promise pa naman si Kim na hahatian ang kanyang fellow contestant na si Tatay Diego, na kailangan talaga ng pera para maibili niya ng bahay ang kanyang pamilya.

Ang kalahati naman ay ibibigay pa niya sa ilang contestants na agad namang natalo sa show.

Sila ay sina Karen Reyes, Aubrey Miles at Giselle Sanchez.

Well, the gesture alone to donate her win, kung nagkataon, was generosity to the max, Kim.

More power.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with