^

Pang Movies

JaDine fans mas excited sa Till I Met…, walang planong maghabol sa panalo ng AlDub at KathNiel

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kataka-takang tahimik yata ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) fans, Salve A, sa katatapos na The PEP List Year 3, huh! Biggest winner kasi ang AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza) love team sa TV Awards nila at ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) love team na hinirang na Movie Stars of the Year, Male and Female.

Subalit bokya sa anumang awards ang JaDine, huh! Ang tanging konsolasyon nila ay ang paghirang sa TV series nilang On The Wings of Love bilang Primetime Series of the Year at ang panalo ng co-star nilang si Cherry Pie Picache bilang Te­leserye Supporting Actress of the Year.

Sa nakaraang special edition ng Yes 100 Most Beautiful Stars, pasok naman sina James at Nadine sa ibang kategorya. Pero hindi rin sila sumipot sa press launch ng babasahin.

Buti na lang, happy ang JaDine fans sa nalalapit na airing ng series nila dahil mapapanood na ang lambingan nila sa Greece kung saan maraming eksena ang kinunan, huh!

Naaktuhan, Angel huling yakap nang yakap kay Sam

Huli sa mata ng publiko ang pagyakap ni Angel Locsin kay Sam Milby sa premiere night ng Camp Sawi sa SM Megamall last Tuesday. Eh, taken na nga lang si Sam kahit single ngayon si Angel.

Pinatotohanan ni Angel ang suporta niya sa movie dahil kaibigan niya halos ang lahat ng cast.

At sa kanyang social media ay panay ang post niyang panoorin ang movie na pinagbibidahan nina Bela Padilla, Andi Eigenmann, Yassi Pressman, Arci Munoz, Kim Molina at Sam.

Ang magandang balita sa Viva at N2 Production film, Graded A ito ng Cinema Evaluation Board.

Pinapurihan din ang direktorang si Irene Villamor na puwede raw isabong kay Direk Antoinette Jadaone pagdating sa pagalingan, huh!

Kahapon ang showing ng Camp Sawi na ti­naguriang National Camp Sawi Day. Relatable ito sa mga taong sawi at hindi sawi sa pag-ibig!

Gwapong aktor humpak na humpak na ang mukha, puwedeng mapagkamalang adik!

Pinagdududahan ngayon ang pagiging humpak na katawan at mukha ng isang guwapong aktor. Nanibago ang mga nakakita sa kanya sa isang showbiz event dahil hindi man nawala ang guwapong mukha, halata namang pumayat siya.

Wala namang balita o chikang may masamang bisyo ang aktor. Clean living nga ang image niya mula nang nagsimula siya sa showbiz. Never ding nagkaroon ng image na mahilig siya sa babae, huh!

Pero worried pa rin ang supporters niya’t close friends sa hitsura ng guwapong aktor ngayon.

Kailangan daw pagpayuhan siya ng manager niya maging concern ang aktor sa kapayatan niya.

Baka nga naman dahil doon eh matsismis siyang lulong sa masamang bisyo, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with