^

Pang Movies

‘So excited for new things to come’ Pia napisil na host ng Asia’s Next Top Model

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Maugong ang tsismis na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang napili na host ng Asia’s Next Top Model V.

Hindi pa confirmed ang tsismis pero may mga nagduda na totoo ang balita dahil sa tweet ni Pia na “So excited for new things to come.” May karapatan naman si Pia na maging host ng Asia’s Next Top Model dahil sa kanyang mga achievement bilang beauty queen. At least, may pagkakaabalahan si Pia kapag natapos ang reign niya sa January 30, 2016.

Tonton tumatak ang pagiging kalaguyo ni Andi!

May special participation si Tonton Gutierrez sa Camp Sawi bilang kalaguyo ni Andi Eigenmann.

Baka naman magtampo si Tonton dahil puro tungkol sa Camp Sawi girls ang topic ko eh importante rin ang role niya sa pelikula na pinupuri ng moviegoers at film critics.

Sandali lamang ang participation ni Tonton sa Camp Sawi pero markadong-markado ang role niya. Kung wala ang karakter ni Tonton, walang saysay ang pagiging sawi ng role ni Andi.

Yassi panalo ang kaseksihan sa two-piece

Sa limang bidang babae ng Camp Sawi, si Yassi Pressman ang nagsabog ng kaseksihan dahil sa mga skimpy two-piece swimsuit na ginamit niya sa kanyang mga eksena. Napa-wow ang mga nanood ng Camp Sawi sa eksena ni Yassi na umaahon mula sa dagat.

Kuwelang-kuwela rin sa moviegoers ang lovestory ng karakter ni Yassi na dahilan ng pagkasawi nito. My lips are sealed para hindi mawala ang excitement na nararamdaman ng mga nagbabalak na panoorin ang Camp Sawi. Basta ang sabi ng mga manonood, click na click sa kanila ang love story ni Yassi at ni Bret Jackson na gumanap na boyfriend niya.

AiAi bilib sa walang yabang na ugali ni Megan

Hangang-hanga si AiAi delas Alas kay Megan Young dahil wala itong kayabang-yabang sa katawan.

Napakabait daw ni Megan na never na umasta na international beauty queen sa set ng The Mighty Yaya, ang pelikula ni AiAi na balak isali sa Metro Manila Film Festival 2016. Walang masabi na masama si AiAi kay Megan dahil bukod sa mabait, magaan na katrabaho ang first Pinay na nanalo ng Miss World crown noong 2013.

Lovi napatikom ang bibig ni Rocco

Nakarating kay Rocco Nacino ang mga sinabi ni Lovi Poe tungkol sa kanilang relasyon sa presscon ng Someone To Watch Over Me.

Ang mga statement umano ni Lovi ang dahilan kaya hindi na magsasalita si Rocco tungkol sa break up nila.

Napakaliit ng mundo ng showbiz. Tiyak na sa ayaw at sa gusto ng ex-lovers, magkakasalubong sila kaya mas maganda na maging friends sina Lovi at Rocco. Si­guro naman, mas marami ang magaganda na pinagsamahan nila kesa bitterness na dulot ng kanilang paghihiwalay ‘huh!

Mano Po sa China kukunan!

Sure na ang pagpunta ng cast ng Mano Po 7 sa China dahil dito kukunan ang mga malalaking eksena.

Balak ng Regal Entertainment Inc. na ilipad sa China sa last week ng September ang mga artista ng Mano Po. Extended hanggang October 31, 2016 ang submission ng entries sa Metro Manila Film Festival kaya walang reason para mangarag ang lahat ng mga involved sa Mano Po 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with