^

Pang Movies

Gilas hindi man lang nakaagapay kay Hidilyn

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malaking karangalan sa Pilipinas ang Olympic star na si Hidilyn Diaz na taga-Zamboanga City.

Anak mahirap si Hidilyn pero kahit kapos ay natupad pa rin niya ang kanyang pangarap. Natalbugan pa nga niya ang Gilas Pilipinas na katakut-takot ang naging gastos sa kakapraktis pero waley naman at hindi man lang nakasali.

Tipong pang-showbiz kasi ang mga player ng Gilas dahil bongga ang publicity nila tuwing naglalaro.

KC naunahan na si Angel

Sana natagpuan na ni KC Concepcion ang lalaking hinahanap niya sa katauhan ng Azkal player na si Aly Boromeo. Halatang in love si KC at sana ang lalaking ito na maghahatid sa kanya sa harap ng altar.

Huwag sana siyang matulad sa naging kapalaran noon ni Angel Locsin na na-link kay Phil Younghusband pero nauwi lang sa drawing ang lahat.

Mabuti na lang in love daw ngayon ang dalaga sa isang non-showbiz guy na anak ng isang politician!                                                       

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with