^

Pang Movies

Aga hindi muna makikiuso sa teleserye!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Natuwa naman kami sa narinig namin na may isa nga raw pelikula na kinukunsidera para kay Aga Muhlach. Sabi ng nagkuwento sa amin, iyon daw ang ini-insist ng magiging direktor at maging ng scriptwriter ng pelikula. Nakakatuwa dahil sa totoo lang kulang na kulang tayo sa magagaling na leading men. Maraming leading men pero iilan lang ang magagaling.

Maraming mga artistang babae na hindi mabigyan ng pelikula, kasi nga wala silang makuhang leading men.

Noong muling sumipa ang career ni Richard Gomez, marami ang umasa dahil at least nariyan na siya at aktibo na ulit. Kaso si Goma naman ay naagaw ng pulitika.

Marami ang nadismaya, sayang nga kasi ang pagkakataon eh. Pero nang magbalik si Aga matapos ang tatlong taon ng pamamahinga, at nakita naman natin ang reaksiyon ng publiko kahit na hindi pa nga siya napapanood, aba eh maganda ang chances.

Totoo naman iyon eh, si Aga ay nananatiling isa sa pinakasikat at mahusay na leading man.

Ang inisip pa nga namin noon, baka ilagay din siya sa mga te­leserye, pero mabuti naman at ang naisip nilang ipagawa sa kanya ay pelikula.

Lahat halos ng mga artista ay nasa telebisyon na. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit mahina ang mga pelikula. Napapanood na sila ng libre araw-araw eh, natural magsawa rin ang mga tao kahit na papaano.

Nanay ni Sunshine ayaw makisawsaw sa laban ng anak

Marami nga ang nagtataka kung bakit tahimik si Dorothy Laforteza sa naging problema ng kanyang anak na si Sunshine Dizon. Siguro nga ayaw na niyang masabing masyado siyang nakikialam at magkaroon pa sila nang hindi pagkakaunawaan kagaya noong dati na siyang naging dahilan din naman kung bakit naisipan na ni Dorothy na bumukod ng tirahan.

Ang sinasabi lang niya ngayon, hindi siya nakikialam sa problema ni Sunshine dahil “naniniwala ako na kaya niya iyon”. Siyempre naroroon pa rin naman ang statement niyang “kung kailangan niya ng suporta, nariyan naman ako sa likod niya”.

Natutuwa rin daw siya at sa sitwasyon ni Sunshine, kung may problema man, at least “hindi siya ang other woman”. Oo nga naman, lumalabas na si Sunshine ang legal na asawa, hindi ang nang-aagaw ng asawa.

Baron may pa-blind item sa ‘adik’ na anak daw ng kanyang kritiko

Sino ang pinaparinggan ni Baron Geisler sa kanyang bagong video kung saan sinasabi niyang ang anak ng isa niyang kritiko ay nagdo-droga rin.

May banta pa siyang hintayin na lang daw ng kanyang kritiko kung mangyari rin sa anak na lalaki noon ang nangyayari sa ibang nahuhuli sa droga.

Iilan lang naman ang naging kritiko ni Baron nang sinabi niyang mali ang ginagawang paraan ng pagsugpo sa droga at pagpatay sa mga suspect. Sino nga ba sa kanila ang may anak na lalaking posibleng drug user din?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with