^

Pang Movies

Tom inalmusal si Max, tanghalian si Lovi!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Trailer pa lang ng Someone To Watch Over Me na bagong teleserye ng GMA 7 na ipinakita sa presscon last Monday ay umaatikabong love scenes and kissing scenes na ang makikita sa tatlong bida na sina Tom Rodriguez, Max Collins at Lovi Poe.

Ang kantyawan nga, napakasuwerte ni Tom dahil dala-dalawang magagandang babae ang kanyang ka-love scene.

“Siguro, ang masasabi ko,” ani Lovi, “alam na alam niya (Tom) ang ginagawa niya,” sabay-tawa. “Hindi niya nakalimutan, wala siyang Alzheimer’s that day (nang kunan ang love scene).”

Say naman ni Max, napaka-professional daw ni Tom and very honest umarte.

Aminado naman si Tom na sobrang swerte niya for having these two gorgeous leading ladies.

“Sinabi ko nga sa kanila pareho, ‘hindi madali ang mga hiningi sa inyo,’ napakaswerte ko dahil napaka-professional nila at handa silang ibigay ang lahat ng kailangan para magampanan at maipakita nang tama ang mga sensitibong eksena.

“Kaya grabe, hats off to these two, ang galing nila,” sabi ni Tom.

Kantyaw nga ni Lovi, magkasunod daw kinunan ang love scenes nila ni Max with Tom.

“Nung umaga, si Max ang ka-scene niya. Tapos nag-shower lang siya, then ako na,” say ni Lovi.

Say naman ni Tom, tinanong daw niya si Lovi kung nag-lunch ito dahil siya ay hindi na. Ang nangyari raw, inalmusal niya si Max at sa tangha­lian naman ay si Lovi.

“Ang swerte ko sa trabaho ko, no?” natatawa pang sabi ni Tom.

First time makatrabaho ng aktor ang dalawang aktres at talaga raw sobrang the best ang dalawa sa lahat ng bagay.

Sa kwento, ginagampanan ni Lovi ang papel na asawa ni Tom while si Max naman ang ex-girlfriend na siyang naaalala ng karakter ni Tom nang magkaroon siya ng Alzheimer’s.

Si Max naman, aminadong medyo na-pressure dahil sa kaseksihan ni Lovi at sa husay pang umarte.

“Sa pagiging sexy, nakikita n’yo naman, napaka-sexy talaga ni Lovi. Siya ‘yung pinaka-sexy talaga. So medyo na-pressure po ako, nagpapayat talaga ako para sa role na ito.

“Mabigat talaga itong role na ‘to for me, mas matured siya sa mga nagawa ko in the past. So, ‘yun po ang preparation ko, pagpapayat and I guess, we’ll just see what happens sa mga eksena. Ang galing talaga nilang umarte and I’m sure, magiging very honest ‘yung mga scene namin kasi grabe talaga sila magbigay pagdating sa eksenang napanood n’yo po. Grabe talaga ‘yung mga emotions na nilabas nila, lahat totoo and I’m just excited to have more scenes with them,” sabi ni Max.

Mula sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes, mapapanood na simula sa Sept. 5 ang Someone To Watch Over Me sa GMA Telebabad. Kasama rin sa serye sina Edu Manzano, Jackie Lou Blanco, Ronnie Lazaro at Issay Alvarez.

AlDub sunud-sunod ang awards

Sunud-sunod ang mga parangal na natanggap ni Alden Richards at Maine Mendoza sa ginanap na The PEP List Awards Night last Sunday sa Crowne Plaza Hotel at halos hindi magkandaugaga ang aktor sa mga tropeo at plake since hindi nakadalo ang kanyang ka-loveteam dahil nasa abroad ito.

Itinanghal na TV Stars of the Year, Newsmaker of the Year at Celebrity Pair of the Year ang AlDub.

Nagwagi ring Best PEPtalk Episode si Alden at si Maine naman ay Female Breakout Star of the Year.

Ang KathNiel loveteam naman na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nagwaging Movie Stars of the Year.

Kathryn also won the Female Teen Star Award.

Binigyang pagpahalaga rin ng PEP List ang mga performances ng actor at aktres sa drama at komedya. Nagwagi si Glaiza de Castro bilang Te­leserye Actress of the Year para sa kanyang role na lesbian lover sa The Rich Man’s Daughter samantalang si Ken Chan naman ang Teleserye Actor of the Year para sa pagiging transwoman sa Destiny Rose.

Sina Cherry Pie Picache (para sa pagi­ging lesbian mom sa On The Wings of Love) at Arjo Atayde (para sa pagiging villain cop sa FPJ’s Ang Probinsyano) naman ang napili sa Teleserye Supporting Actress at Te­leserye Supporting Actor of the Year. Nasa ikatlong taon nang isinasagawa ang The PEP List na nagbibigay pagkilala sa mga brightest star at best shows sa pamamagitan ng Editor’s Choice at PEPsters’ Choice categories.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with