^

Pang Movies

Alden mag-isang dumalo sa PEP Awards, hinakot ang mga award nila ni Maine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mas inspired at mukhang hindi naman napagod si Pambansang Bae Alden Richards sa pag-akyat sa stage ng Grand Ballroom sa Crown Plaza Hotel noong PEP List Awards last Sunday evening, August 21, para tanggapin ang mga award nila ng better half niya ng AlDub love team na si Maine Mendoza. 

Wala si Maine na kasalukuyang nagbaba­kas­yon sa Los Angeles, California, pero nagbigay siya ng thank you video message habang sakay na siya ng kanyang flight.

Tatlong top awards ang nakuha nina Alden at Maine, ang TV Stars of the Year, Newsmaker of the Year, at Celebrity Pair of the Year. May solo awards din sila at lahat ng iyon ay tinanggap ni Alden, bukod pa sa umakyat din siya, kasama ng mga Dabarkads ng Eat Bulaga as Variety/Game Show of the Year at mga host ng Sunday PinaSaya na napili namang Comedy Show of the Year.

May dalawang category ang PEP List 3, ang Editor’s Choice na ang pumili ay mga Pep editors at ang Pepster’s Choice na pinili ang winners sa pamamagitan ng online voting ng mga PEP reader. Lahat ng mga boto ay in-audit ng independent auditing firm, ang Punungbayan & Araullo.

Mga host nang gabing iyon sina Mikael Daez at Jasmine Curtis Smith, naging mabilis ang pacing ng awards night.  Maraming dumating na Kapuso at Kapamilya stars na naging presenters ng awards.

Labis-labis ang pasasalamat ni Alden sa lahat ng awards na natanggap niya at ni Maine sa Pep, sa GMA Network, sa Eat Bulaga”at sa AlDub Nation na hindi pa rin kumukupas ang sipag nila sa pagboto simula pa noong nagsimula ang Tamang Panahon.         

Pero ang isang pinag-uusapan ay nang tanggapin ni Alden ang  Male TV Star of the Year at ang sabi niya “Para sa iyo Ma..” Tanong ng mga fans, sino raw Ma ang sinasabi ni Alden, ang kanyang ina, na naging inspirasyon niya para pasukin ang showbiz, o si Maine na naging ins­pirasyon din niya sa patuloy na tagumpay nilang dalawa?

Narito ang mga awards na natanggap nina Alden at Maine:

Editor’s Choice:

Male TV Star of the Year – Alden Richards

Female TV Star of the Year – Maine Mendoza

Female Breakout Star of the Year – Maine Mendoza

Best Peptalk Episode for 2015 – Alden Ri­chards

Pepster’s Choice:

Newsmaker of the Year – AlDub

Celebrity Pair of the Year – Alden Richards & Maine Mendoza

Special Award: Stylish Star of the Night – Alden Richards

ROCCO NAGMUKHANG BATA KAY SANYA

Mas mukha nga bang bata ngayon si Rocco Nacino sa kabila na loveless siya dahil sa Encantadia? Natanong si Rocco sa press launch ng Oh, Boy! concert nila nina Aljur Abrenica, Derrick Monasterio at Jake Vargas na gaganapin sa Music Museum sa Sept. 23.

“Wala po naman,” nakangiting wika ni Rocco.  “Ini-enjoy ko lamang ang role ko bilang si Aquil na sa kabila ng ilang taon na ang lumipas, hindi ako tumatanda.  Pero malapit na iyong paglalapit namin ni Danaya (Sanya Lopez) sa story. Mas marami pang magaganap sa story at thankful kami sa lalong tumataas na rating ng aming epic serye.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with