^

Pang Movies

Pero papansin sa social media, Kris nagmatigas sa pananahimik ng pinuntahan!

- Vinia Vivar - Pang-masa

As we go to press, up to now ay tahimik pa rin si Kris Aquino tungkol sa napapabalitang paglipat niya sa GMA 7, pati na rin sa kumpirmasyong pumirma na siya sa APT Entertainment ni Tony Tuviera na siya na umanong magma-manage ng kanyang career.

Kahit ang daming tanong na dapat sagutin, nananatiling tahimik si Kris at hindi pa rin nagsasalita.

Maging sa kanyang Instagram account ay wala pa siyang paglilinaw o confirmation regarding the issue at kung may post man siya, ang pananahimik pa rin niya ang kanyang pinaninindigan.

Huling post ni Kris ay noong Saturday na isang quotation which reads: “Never miss a good chance to shut up”. Sa caption ay nilagay niyang “I can & I will…Let me shock you with my silence.”

While posting this ay nasa Ninoy Aquino International Airport si Kris at may pahaging siya na tila magbibiyahe siya alone.

Kung saan, wala pang nakakaaalam.

Matteo never pinagastos si Sarah

Dahil nga pera ang usapan sa presscon ni Matteo Guidicelli recently as endorser of Sun Life Financial, pati kung sino ang nagbabayad sa date nila ni Sarah Geronimo ay natanong sa kanya during the Q&A portion.

“Ako,” tila nahihiyang sabi ni Matteo. “Nagse-save talaga tayo para sa mga dates na ‘yan.”

Pinuri naman si Matteo na napaka-gentleman niya dahil ang ibang magkarelasyon, hati sila sa bayad sa mga date.

“Sa Amerika, ganu’n talaga. When I studied in America, my friends, when they go out on dates, they separate the bill, the boys pay, the girls pay. Parang it’s weird.

“But ang Filipino culture talaga, I think the guy pays all the time, ‘di ba?” say ni Matteo which earned him applause from the crowd.

Hirit pa ng aktor, “’yung mga lalaki diyan, ha, baka hindi kayo nagbabayad diyan!” at nagtawanan na lang.

Natanong din si Matteo kung naisip na ba nilang magbukas ng joint savings account ni Sarah at ayon sa aktor ay hindi pa naman.

“I don’t think it’s time, yet, you know. We don’t even live in one roof, our lives are separate, she’s doing her own thing, I’m doing my own thing, kung baga.

“The time will come when the joint account will happen, but not yet now.”

Choice ba nila ‘yan?

“Yes, I think so, it’s our choice because we want to grow as individuals first. She’ll go on her own, I’ll go on my own,” he said.

Robin may mensahe sa mga kabataan tungkol kay Marcos

Kung si Robin Padilla ang tatanungin, dapat daw pag-isipan at analisahin mabuti ang ideyang paglilibing kay dating Presidente Marcos.

“Eh alam ninyo, ilang beses inuulit ng ating mahal na Pangulo kung gaano ang kahalagahan ng kabataan nga­yon. Etong pagpapalibing kay Marcos na dating Pangulo natin, huwag po nating tingnan bilang politkal.

“Kasi, kawawa ‘yung mga bata. Kawawa ‘yung mga bagong henerasyon na hindi naman nila naiintindihan kung ano ‘yung martial law noon.

“Etong paglilibing kay Marcos, dapat nating tingnan bilang historical. Huwag natin ‘tong tanggapin na politikal dahil nagkakahiwa-hiwalay po tayo.

“‘Yung paglilibing kay Marcos, pag-aralan po natin. Pag-aralan natin kung sino ba si Marcos, at kung ano ba ang Martial Law, at kung ano ba ang nagawa niya at kung ano ba ang People Power. Maging bukas po ang isipan ng mga kabataan.

“Kawawa po ang kabataan, kawawa. Kapag ganitong kaaga pa lang, bine-brainwash na natin na masama ‘yun, bigyan natin sila ng kalayaang mag-isip,” mahabang pahayag ni Robin.

Tungkol naman sa all-out war ni Pres. Duterte laban sa droga, ayon kay Binoe ay wala raw ginagawang mali ang Pangulo.

“Paumanhin sa inyong lahat, sapagkat ako ay naniniwala, hanggang sa mga oras na ito, magmula nang una ninyo akong tinanong patungkol kay Mayor hanggang sa mga oras na ito, maniwala po kayo sa akin, napakabait pa ni Mayor. Napakabait pa po niya.

“Binibigyan pa po niya ng pagkakataon ang mga taong gustong magbago. Sapagkat kung gusto ko po ang masusunod na revolutionary government, wala po ito.

“Pero sapagkat si Mayor po, ang gusto niya ay maging mahinahon ang lahat, kaya sumusunod po ako sa kanya,” saad ni Robin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with