^

Pang Movies

Konektado sa droga, puwedeng whistleblower, singer na si Dulce mabigat ang mga paratang kay Sec. De Lima

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Wanted ng mga reporter ang singer na si Dulce dahil sa Facebook post niya laban kay Senator Leila de Lima.

Nakaka-intriga ang mga emote ni Dulce pero hindi malinaw ang pinagmumulan ng kanyang mga hugot line.

Hinahanap ngayon si Dulce ng mga reporter na curious na malaman ang ugat ng malalim na tampo niya sa kontrobersyal na senadora.

Ang basa ng publiko, sangkot sa mga emote ni Dulce ang mister niya na nagtrabaho noon sa opisina ni De Lima pero mahirap manghula kaya wish nila, sabihin na ng singer ang puno’t-dulo ng emote niya laban sa se­nadora na parang malapit nang kumanta ng Ako Ang Nagwagi, Ako Ang Nasa­wi dahil sa word war nila ni President Rod­rigo Duterte.

Binura na ni Dulce ang Facebook rant niya pero kumalat na ito at pinagpapasa-pasahan ng haters at bashers ni De Lima.

Para sa mga nalilito at hindi masundan ang isyu, ito ang bahagi ng mga emote ni Dulce laban sa da­ting boss ng asawa niya.

“Inalis at tinerminate mo ang mga taong tapat sa kanilang trabaho dahil lang sa ayaw sumabay sa inyo sa gusto ninyong mangyari, gusto n’yo itikom na lang mga bibig nila basta tanggap na lang milyones galing sa druglords? Sorry ha, hindi talaga kaya ang magpaka- BULAG PIPI AT BINGI at ipagka­nulo ang bayang ito.

“Hindi masikmura ng asawa ko ang pakainin kami ng galing sa perang pinangwasak n’yo ng buhay ng ibang tao. Kaya ang pinakamadaling paraan ay tanggalin na lang para walang hadlang sa mga ginagawa ninyo di ba!

“Nasaan na ang sinasabi mo sa sambayanan na “I LOVE YOU…” ??? At the back of your mind pala ‘I WILL KILL YOU..’??? dahil tuloy tuloy pa rin ang paglipana ng pabrika ng shabu while you served as head of the DEPARTMENT OF JUSTICE???!!! Nasaan ang hustisya!!!”

“Simula’t simula sinabi nang bumitaw ka at huwag nang magsa­lita, kahit sekreto na lang sana isinuko mo na, heto na at lumalala, naghahamon ka pa! Ano? Nagpapanic? Umiiyak? at Nagmamakaawa daw??? Yung angas n’yang yun?, nadidiktahan ka pa nga. Gusto ko mang maawa pero katotohanan ang kailangang lumabas.

“Tama na, nagamit ka na ng husto ng amo mo at mga kakulay mo, sabay sabay din silang pumuputak ngayon, synchronized, to divert the issue. Tama na tapang-tapangan at pagiging overconfident hindi ka nila kayang protektahan, only the truth can protect you.

“Marami na kayong pi­na­hirapan, marami nang buhay ang nasira pero tila wala ka nang pakialam, naging manhid ka na at hindi mo ramdam ang sakit at bigat na nararanasan ng libu-libong pamilyang biktima ng droga.”

Mga witness sa imbestigasyon sa Senado, noong panahon pa ni P-Noy nangyari

 Si Senator Leila de Lima ang pinuno ng imbestigasyon sa senado tungkol sa extra-juidicial killings na nangyayari ngayon sa ilalim ng pamumuno ni President Rodrigo Duterte.

Live na napanood sa TV ang imbestigas­yon kahapon at naloka ako sa sinabi ng isang testigo na nagbayad siya ng sampung libong piso sa mga pulis na sangkot sa illegal drugs at nanghuli sa asawa niya.

Ang mister ng babae ang drug pusher na napatay sa Pasay City at mala-Pieta ang litrato nila na na-publish sa New York Times.

Nakakaloka ang testimony ng babae dahil sa kanyang paulit-ulit na sinabi na nangyari ang insidente noong si Noynoy Aquino pa ang nakaupo sa puwesto, hindi si Papa Rody. Sa madaling-salita, talamak na talaga noon ang problema sa droga pero walang nagawa ang administrasyon ni Noynoy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with