^

Pang Movies

Maine hinahatak ng fans pababa?!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang reklamo ng ilang fans ni Maine Mendoza tungkol sa ilang entertainment press na bumibira raw ng below the belt sa kanilang idolo.

Ang nakakaloka lang, maraming entertainment press ang tina-tag nila sa mga reklamo nila tungkol sa mga bumibira sa tinaguriang phenomenal star ng Eat Bulaga.

Karamihan sa mga tina-tag nila ay wala namang kinalaman sa mga naglalabasang bira kay Maine.

Akala tuloy ng iba, ‘yung mga entertainment press na tina-tag nila sa mga reklamo nila ang involved.

Isa kami sa mga tina-tag nila sa mga reklamo, and honestly, naiirita na kami dahil wala naman kaming kinalaman sa mga reklamo nila, huh!

Ang ibang fans ni Maine ang posibleng makasira sa kanya dahil sa hilig nilang mag-over react at sa ganitong gawain nila na ita-tag sa kanilang mga reklamo pati ang mga wala namang kinalaman sa sentiments nila!

Martin mahilig sa charity

Ang The Art of Healing concert kagabi sa Green Sun, Makati City kagabi.

Isang fundraising concert ‘yon kung saan ang isa sa mga nag-perform si Martin Nievera.

Mahilig si Martin na tumanggap ng mga fund­raiser.

Grabe ang pagpo-promote ni Martin sa charity concert na ‘yon kagabi kung saan ay nakasama niya sina Aiza Seguerra, Christian Bautista, The Company at iba pa.

Sa fans naman ni Martin na nagtatanong kung kailan siya magkakaroon ng solo concert, kasado na ang kanyang Kahapon… Ngayon concert na gaganapin sa KIA Theater on August 26.

Ang PolyEast Records ang producer ng concert.

Concert nina Martin at Ogie may salpukan

Katapat ng Kahapon… Ngayon concert ni Martin ang first night ng Ayokong Tumanda post-birthday concert ni Ogie Alcasid na ang Music Museum naman ang venue.

Walang problema kung magkatapat man ang kanilang mga concert dahil magkaibigan sina Martin at Ogie.

‘Yung mga manonood naman kay Martin, puwedeng manood sa second night ng concert ni Ogie on August 27.

Hindi uso sa kanila ang salitang “tapatan” dahil hindi sinadya ‘yon at nagkataon lang!

Richard at Sarah susundan na si Zion

Dahil marami ang cute na cute sa anak nilang si Zion Lahbati, ang fans na nila mismo ang na­ngungulit kina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati kung kailan ba nila susundan si Zion?!

Sabi ni Richard, mapapanood sa reality TV series nila na It Takes Gutz to be a Gutierrez sa E! international cable channel ang tungkol sa bagay na ‘yon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with