^

Pang Movies

Maine umamin sa MU nila ni Alden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Si Maine Mendoza naman ang naglinaw sa mutual understanding sa pagitan nila ng ka-love team na si Alden Richards.  Sa literal meaning daw, ang mutual understanding ay nagkakaintindihan sila ni Alden sa lahat ng mga bagay-bagay, kahit ang mga sentiment nila sa buhay.  Okey lamang sa kanila kung sabihing mag-MU sila dahil mas deeper na ngayon ang relasyon nila kaysa noong dati.

Inamin din ni Maine na lumalabas sila ni Alden na sila lamang dalawa, iba rin daw kasi ang bonding nila kung sila lamang dalawa ang magkasama off-camera.  Gusto niya kay Alden ang pagiging gentleman nito, magalang, mabait at understanding, qualities na hanap niya sa isang guy.  Na lagi raw ipinakikita sa kanya ni Alden, on and off camera.

Joross close kay Digong

Enjoy si Joross Gamboa sa role niya bilang isang naughty, mayabang, presko at sobrang in love kay Happy (Heart Evangelista) sa primetime drama series nilang Juan Happy Love Story

Tinanong tuloy si Joross kung siya ba ay titingin pa rin sa ibang babae kung may makita siyang tulad ni Happy? Hindi na raw, paano pa siya titingin sa ibang babae kung ang pinakasalan niya ay ang pinakamagandang babae para sa kanya na si Katz Quiboloy.

Sounds familiar ang surname ng asawa kaya inamin niyang apo nga si Katz ni Pastor Quiboloy, at ninong nila sa kasal si now President Rodrigo Duterte, kaya biniro siya kung hihingi rin ba siya ng puwesto sa gobyerno?

“Hindi po, dito na lamang ako sa pag-aartista ko at sa pag-aalaga sa aking mag-ina,” sagot ni Joross. “May family business din kami at nagpapagawa kami ng sarili naming bahay, malapit din sa bahay ng parents ko sa Las Piñas.”

Sa GMA pa rin daw siya dahil hindi pa tapos ang kanilang serye, may bago na siyang project na gagawin, hindi pa lamang niya maidetalye dahil bawal pa.

Sandro ilag sa showbiz

Lip Sync Battle Philippines na naman mamaya at naalaala namin ang biro kay Sandro Marcos sa thank you lunch na ibinigay ng ama niyang si Senator Bongbong Marcos sa press people, na bakit hindi sila mag-join ng friend niyang si Jake Ejercito, anak ni Manila Mayor Joseph Estrada.  Pero ang panganay nina Sen. Bongbong at Liza Araneta ay wala raw sa isip niya ang showbiz.

Kahit pa nga sabi ni Sen. Bongbong na willing silang mag-asawa na nasa likod na lamang ni Sandro, at susuportahan ang anak kung gusto nitong pasukin ang showbusiness, hindi pa rin nila nakumbinsi ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with