^

Pang Movies

Kris gagawa ng MMFF movie, Maine at Alden ang kasama!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang bali-balita, mukhang may gagawin daw na pelikula sina Alden Richards at Maine Mendoza na kasama si Kris Aquino. Iyon daw ang dahilan kung bakit nasabing nakipagkita si Kris sa mga executives ng TAPE Inc. na sina Tony at Mike Tuviera. Baka nga raw ihabol iyon sa festival kung sakali.

Ano naman ang magiging role ni Kris sa pelikula? Magiging nanay ba siya ng sino man kina Maine at Alden?

Kung tutuusin puwede na rin naman dahil 46 years old na nga­yon si Kris at ang kanyang panganay na anak kay Philip Salvador na si Josh ay 21 years old na ngayon. Hindi naman nalalayo iyan sa edad nina Alden at Maine.

Siguro magiging malaking boost din para kay Kris ang makasama ang AlDub, na nakagawa na ng box office history dahil sa kanilang unang solo lead movie na ipinalabas sa mahigit na dalawandaang sinehan. Kailangan na ni Kris ang ganyang tulong sa career lalo na nga’t sinasabing iyong isa niyang movie noon na kasama si Derek Ramsay ay naging isang box-office disappointment.

Malaking bagay din sa kanyang popularidad ang pagiging isang presidential sister noon, pero wala na iyon ngayon. Medyo bu­­ma­liktad na rin naman ang kapalaran, at mukhang nabawasan na ng malaki ang dating supporters niya. Kung ipagpapatuloy nga niya ang kanyang career, kagaya ng lumalabas ngayon dahil sinasabi ngang “mema” lang naman ang sinabi niya noong pagtalikod muna niya sa showbiz, kailangan niya ng makakapitan at sa ngayon ay AlDub na nga siguro iyon.

Naalala nga pala namin, nanghihinayang din ang mga produ­cer ng AlDub movie, kasi nakansela ang kanilang exhibition sana sa Florida, USA, dahil diumano sa pagkalat ng pirated copies ng buong pelikula sa Facebook at sa YouTube.

Iyan ang pinakabagong problema ng industiya ng pelikula dito sa Pilipinas ngayon. Pinipirata ang mga pelikula at isine-share na lang sa Facebook. Napipirata rin naman ang mga foreign movies, pero hindi naman inilalagay sa Face­book. Ibig sabihin, mga blogger na Pinoy talaga ang gumagawa niyan.

Angel kailangan pa ring paopera

Palagay namin, hindi na dapat pinagpapapatulan ni Angel Locsin ang mga comment na inilalagay ng kung sinu-sino sa kanyang social media account. Hindi na rin niya dapat patulan ang parinig ng iba, lalo na’t kung makikita naman na mas sikat talaga siya.

Ang problema lang ni Angel, kailangan nga niyang sumailalim sa surgery dahil sa kanyang na­ging problema sa kanyang likod, at iyon ang dahilan kung bakit matagal na siyang walang proyekto.

Pero hindi masasabi na nawawalan siya ng pro­ject dahil hindi kumita ang kanyang mga pelikula o bumalibag siya sa ratings sa telebisyon. Isa pa, alalahanin ninyo na acting awardee naman si Angel. Hindi mo naman masasabi na siya iyong kagaya ng iba na napapansin lang sa paghuhubad.

Gay TV personality sinusuhulan ng party drugs ang matitipuhang lalaki

Ang lakas ng bulungan tungkol sa isang TV personality na madalas daw sa mga bar na istambayan din ng mga madadatung, at sinasabing supplier ng party drugs. Hindi naman niya ibinebenta, ibinibigay niya iyon sa mga poging type niya. Bading kasi ang TV personality.

Sabi ng aming mga source, matagal na raw ginagawa iyan ng tv personality, at mukhang sanay na ang mga pogi na pinapasahan niya ng mga party drugs, na alam naman natin kung ano ang kapalit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with