^

Pang Movies

Aktres ilang ulit nakapuntos sa nota ng aktor

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Natalakan ang baguhang aktor ng premyadong director nang sumigaw ito sa sakit dahil tinamaan ang private part niya nang sumubsob ang kaeksenang aktres na kunwari ay iniiyakan siya.

Eh, may sakit ang aktor sa eksena at nakahiga lang sa kama. Bisita niya ang aktres at dahil sa lungkot eh, iiyak at susubsob sa bandang ibaba ng tiyan niya ang aktres.

Eh, nagkamali ng susubsuban ang aktres. Sa bandang nota ng baguhang aktor siya nasubsob at tinamaan ‘yon, huh! Pumalahaw ng sigaw ang aktor dahil sa sakit. Sinigawan siya ng director na ang gusto niya ay hindi iimik kahit iniiyakan.

Pero ang aktres, super enjoy sa eksenang ‘yon na nakasubob sa bandang nota ng aktor. Ilang beses din kasing inulit ‘yon kaya ilang beses din niyang nabundol ang nota ng aktor, huh! Kaya naman after that scene, smile-smile ang aktres sa ginawa habang puno ng lipstick ang pantalong suot ng aktor sa priba­dong bahagi ng katawan!

Anne napaungol sa halik ni Dennis

Sumalang agad sa halikan kay Anne Curtis si Dennis Trillo sa unang shooting nila ng Viva movie na Bakit Ang Lahat ng Guwapo May Boyfriend last Thursday. Ito rin ang unang pagsasama sa pelikula nina Dennis at Anne.

“Okey naman po. Nagawa namin ng maayos. Actually, nakakatawa!” sambit ni Dennis sa mga press na bumisita.

Nailang daw siya nu’ng una sa kissing scene. “Pero hindi ko na lang pinapahalata. Kasi pangit naman kung pareho kaming naiilang ang hitsura. Kailangan itago na lang namin ‘yon para magawa ng maayos,” rason ng Kapuso actor.

Sa kapareha niyang si Heart Evangelista sa Juan Happy Love Story, nakaramdam din si Dennis ng awkwardness.

“Meron siyempre sa umpisa pero once na gamay na ninyo ang isa’t isa, katulad sa amin (ni Heart), med­yo matatapos na rin ‘yung Juan Happy Love Story, sanay na sanay na kami sa mga ganoong eksena,” saad niya.

Komportable naman daw siya kay Anne kahit first time nilang magpareha.

“Very pleasant kasi siya. Hindi ka masyadong ma­iilang dahil mabait siya. Madaling lapitan. Friend­ly so hindi naman ako masyadong nahirapan,” katwiran ni Dens.

Sa kinunang halikan, kailangan daw umungol ni Anne nang malakas habang naghahalikan sila.

“So natatawa siya! Ha! Ha! Ha! Hayun, parang na-conscious siya at parang pinagpawisan. Ang hirap. Awkward. Naghahalikan tapos uungol ng ma­lakas eh maraming tao. Parang ganoon ang eksena,” chika pa ng Kapuso actor.

Wedding planner sa movie sina Anne at Paolo Ballestros. Wedding scenes ang kinunan sa kanilang unang location. Komo hindi pa kasal, naiisip din ni Dens ‘yung siya ang ikinakasal.

“Naiisip ko rin ‘yung sarili ko habang ginagawa namin ‘yung eksenang ‘yon. Wedding scene, rehearsal. Pero hanggang doon lang. Para lang may idea ako.

“’Yung gawin ko siya sa totoong buhay, hindi pa. Hindi pa!

“Hindi pa siguro anytime soon kasi…Hindi naman sa malayo pa pero…Bigla mo naman kasing mararamdaman ‘yon. Ako hindi pa dahil focus pa ako sa work,” dahilan ni Dennis.

Anak ni ER, type si Jasmine

May bagong Regal Babies sina Mother Lily at Roselle Monteverde na pumirma kahapon. Mula sila sa ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria at ayon sa talent manager, first batch pa lang ito ng mga artists niya na pipirma.

Sa apat na dumalo kahapon sa contract signing, si Jericho Estregan na anak ng former Laguna Governor ER Ejercito ang exposed na sa showbiz at nakagawa na ng pelikula ang Asyong Salonga at El Presidente.

Kapatid naman ng host-model na si Divine Lee si Danielle. Pasadong maging beauty queen ang nakababatang sister ni Divine pero never pang pumasok sa isipan niya ‘yon. Impressed nga si Mother sa ganda ni Danielle, huh!

Produkto naman ng TV5 series si Channel Morales habang si David Licauco ay isang basketball player turned-model.

Present si Gov. ER sa contract signing ng anak. Ipinakita niya kay Mother ang poster ng movie ni Jericho na Alyas Ben Tumbling. Sabi ni ER, “Alalay ako ng anak ko ngayon!” Pero hindi pa rin siya nakaligtas sa interview sa resulta ng nakaraang elek­syon.

Pagdating sa gustong makapareha, swak kay Jericho si Jasmine Curtis-Smith, si Julia Barreto naman kay David at pareho ng taste sina Danielle at Chanel na si John Lloyd Cruz ang pangarap makapareha.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with