^

Pang Movies

Paolo bumigay na kay Dennis!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang kiri-kiri ni Paolo Ballesteros sa “romantic pictorial” nila ni Dennis Trillo sa unang araw ng shooting ng Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend?

Ang sey ng mga reporter na bumisita sa set, conscious na conscious si Paolo sa kiyeme-kiye­meng picture taking na hahalikan siya ni Dennis Trillo.

Kung malakas ang tilian ng mga witness sa pictorial, napatili raw ng walang sound si Paolo na hindi matingnan ng mata sa mata si Dennis.

Si Anne Curtis ang lead actress ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend pero ang biruan ng press, mukhang si Paolo ang mali-link kay Dennis dahil sa inasal niya sa pictorial.

malabong magka-inlaban

Malabo na i-link sa isa’t-isa sina Anne at Dennis dahil in love na in love ang dalaga sa kanyang boyfriend na si Erwan Heusaff.

Going strong naman ang relasyon ni Dennis kay Jennylyn Mercado at sa kanilang tatlo, si Paolo lang ang single and ready to mingle.

Maliban sa pagiging binatang ama, wala tayong nababalitaan tungkol sa lovelife ni Paolo dahil very secretive siya. At least, na-prove ni Paolo na kahit public property ito, may private life pa rin siya.

Anak ni Cong. Albee sumabak na rin sa hosting

Ipapakilala na ni Congressman Albee Benitez sa publiko ang kanyang anak na si Javi.

Gaya ng tatay niya, moreno at Pinoy na Pinoy ang hitsura ni Javi pero mas matangkad ito.

Napapabalita na masugid na manliligaw si Javi ni Jazz Ocampo, ang young actress na napapanood sa Sinunga­ling Mong Puso, ang afternoon soap ng GMA 7.

Malalaman natin kung nagkakaintindihan na ang da­lawa kapag humarap si Javi sa entertainment press.

Naikuwento ko na noon na matagal ko nang kilala si Papa Albee dahil best friend siya ni Gabby Concepcion. Nakikita ko siya sa bahay ng mga Concepcion sa San Juan City noong number one matinee idol pa si Gabby.

Hindi lamang congressman si Papa Albee dahil television persona­lity din siya. May weekly television show si Cong. Albee at co-host niya lately ang anak na si Javi sa ANC, ang The Game Chan­ger Philippines na 30-minute documentary-magazine prog­ram at napapanood tuwing Sabado, 9:30 pm at may replay tuwing Linggo, 9:30 am.

At kahit bagets pa, napapansin na ng televiewers ang kanyang hosting talent na hindi nakapagtataka dahil isang Benitez siya. Hindi lamang nagpapakita ng husay bilang television host si Javi dahil mahilig din siya sa iba’t ibang klase ng sports.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with