^

Pang Movies

Sigaw ng bashers, Matteo useless BF ni Sarah!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ano kaya ang masasabi ng basher na nagkomentong “useless boyfriend” at walang ginagawang effort si Matteo Guidicelli para kay Sarah Geronimo matapos maglabasan kahapon sa social media ang mga larawan ng showbiz couple na umaakyat ng bundok na magkasama?

Sarah and Matteo went hiking yesterday to cele­brate Pop Star’s birthday who turned 28 last Monday. Dinala ni Matteo ang girlfriend sa Mt. Pico de Loro sa Nasugbu, Batangas at base sa mga larawan, mukhang enjoy na enjoy ang magkasintahan.

Sunod-sunod ang post sa Facebook ng kasamahan nina Sarah at Matteo na si Snooky Cruz ng mga larawan nila habang umaakyat ng bundok kabilang na ang mga unguarded moments ng showbiz couple.

In some pictures ay makikita pang magka-holding hands sina Matteo at Sarah habang umaakyat. Ang sweet, ‘di ba naman?

In one photo naman ay makikitang inaayos ni Sarah ang laman ng backpack ng boyfriend. In ano­ther, makikita namang ipinu-push ni Matt ang girlfriend pataas para makaakyat ito.

Prior to this ay may isang netizen na nang-bash kay Matteo sa IG account ng aktor at tinawag siyang “mediocre actor, mediocre singer, mediocre triathlete, useless BF.”

Kinuwestiyon din ng basher kung ano ba ang mga nagawa ni Matteo sa tatlong taong relasyon nila ni Sarah. Aniya ay hindi raw nag-e-effort ang aktor sa relasyon nila.

Sey pa ng basher, si Sarah lang daw ang nag-e-effort  sa relasyon at ang gusto pa raw yata ni Matt ay ang girlfriend pa ang manligaw.

Hindi naman nakapagpigil si Matteo at nag-reply lang ng one-liner na “Ikaw, ano ka?”

Marami namang fans na nagtanggol kay Matteo laban sa basher dahil alam naman nilang hindi totoo ang mga negative comment nito lalo na nga sa sinabi nitong walang effort at useless BF ang aktor.

Jessy hindi pinatulan si Angel, pero todo puri kay Ate Vi

“I’m not the only one who’s being bashed, I’m not the only one who’s being hated, but hell, I’m the sexiest woman right now and I’m just really happy, so I’ll just leave it at that,” ang winner na pahayag ni Jessy Mendiola sa kanyang panayam sa victory party ng FHM’s 100 Sexiest.

Naghamon din si Jessy sa kanyang mga bashers and said, “keep ‘em co­ming”.

As we all know, isa rin si Jessy sa napakaraming celebrities na talagang dumaranas ng katakut-takot na pangba-bash sa social media mula pa noon and up to now, talagang ayaw siyang tantanan ng kanyang bashers and haters.

Paminsan-minsan ay pumapatol din si Jessy sa mga basher pero most of the time ay dinededma na lang niya.

Natanong din si Jessy kung may hurt and anger pa ba siya kay Angel Locsin at sagot niya, “I don’t want to answer that”.

Matatandaang sa huling interview kasi ni Angel ay nagpahaging ang aktres na tila third party si Jessy sa break-up nila ni Luis Manzano.

Klinaro agad ni Jessy na hindi siya third party dahil nang magsimulang manligaw daw sa kanya si Luis ay ma­tagal na itong hiwalay kay Angel.

Anyway, sa nasabing victory party ay natanong din si Jessy kung sila na ba ni Luis at aniya ay “hindi pa”.

Alden hindi nagbibilang ng blessings

Natawa na lang si Alden Richards nang matanong siya sa thanksgiving party for the press last Tuesday kung magkano na ba ang worth niya ngayong sikat na sikat na siya at kabi-kabila ang projects and endorsements.

“Honestly po, ayoko po talagang i-put into numbers kasi, baka po ma-misinterpret na naman po tayo pero sa ngayon po talaga, sa dami po ng blessings na dumarating, nakakaraos-raos na po talaga. Sobrang thankful po ako,” he said.

Actually, marami talaga sa entertainment press ang natutuwa sa success na tinatamasa ni Alden ngayon dahil nasaksihan din naman ng lahat ang kanyang struggling days 5 years ago kabilang na nga ang pagkaka-reject sa kanya sa StarStruck.

Noon pa ay magiliw na sa entertainment press si Alden at hindi ito napagbago ng kanyang kasikatan. Also, he still remains as humble as ever, nakasayad ang mga paa sa lupa at wala pa ring kaere-ere sa katawan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with