^

Pang Movies

Ruffa quickie lang ang break up sa BF!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Obvious na marami ang nanood ng 4th season premiere ng reality TV series ng Gutierrez family, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez noong Monday, 8:30pm, sa E! dahil pinag-uusapan ngayon ang dialogue ni Ruffa Gutierrez sa isa sa mga nakunang video roon kung saan ay sinabi niyang, “I’m single again,” sa kapatid na si Raymond Gutierrez.

Marami ang nagulat sa bagay na ‘yon dahil kamakailan lang ay nagpunta pa ng Thailand at Japan si Ruffa kasama ang boyfriend na si Jordan Mouyal.

Isa sa mga nang-usisa sa akin tungkol sa pagiging “single again” ni Ruffa ay ang isang ABS-CBN executive na involved sa Magandang Buhay kung saan ay nag-taping kamakailan si Ruffa at ipapalabas sa first week of August ng morning talk show nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Single na nga ba uli si Ruffa?

“My gosh, marami ring nagtatanong sa akin tungkol doon!” sagot ni Ruffa nang tawagan namin siya. “That was two months ago pa kasi!”

Sa daldal ni Ruffa, nailihim niya ang tungkol sa sandaling break-up nila ni Jordan, na obviously ay ikinalungkot niya.

Dagdag ni Ruffa, marami talagang mga pangyayari sa buhay ng kanilang pamilya ang hindi nairi-reveal kaagad at ikagugulat na lang natin kapag napanood na ‘yon sa kanilang It Takes Gutz to be a Gutierrez, kaya dapat lang daw na tutukan ang kanilang reality TV series tuwing Monday.

Anyway, kagabi, umalis ng bansa si Ruffa papuntang Europe.

Siyempre, dahil lovey-dovey na uli sila ni Jordan, kasama sa lakad na ‘yon ang kanyang boyfriend.

Kasama rin nina Ruffa at Jordan sa European trip nila sina Lorin at Venice Bektas dahil birthday raw ng panganay ng actress/TV host sa August 3.

Thirteen years old na si Lorin at magtu-12 years old naman si Venice sa September 11.

“Maganda ang grades nila, and advance birthday gift na rin ‘yon, kaya nagplano ako ng trip namin habang bakasyon sila sa school,” pahayag ni Ruffa.

Sigurado rin daw na ise-share ni Ruffa ang ilang videos nilang mag-iina, pati na rin ni Jordan, sa bakasyon nilang ‘yon sa viewers ng It Takes Gutz to be a Gutierrez!

Lovi walwalan na sa pagpapaseksi

Pinag-uusapan ang pagdi-display ni Lovi Poe ng kanyang left leg sa renewal niya ng exclusive network contract sa GMA 7 noong isang araw.

Wala kasing pakialam si Lovi na idinisplay ang kanyang left leg.

Isa si Lovi sa mga artistang walang paki kahit magpa-sexy man.

Sa bagong series nila ni Tom Rodriguez, ang Someone To Watch Over Me, wala rin daw pakialam si Lovi kahit na gaano pa katindi ang love scenes nila ng bagong leading man dahil mag-asawa naman daw ang roles nila roon.

Saka boyfriend-less naman ngayon si Lovi, kaya wala siyang dapat ipag-worry na baka may magselos sa mga eksena nila ni Tom sa Someone To Watch Over Me.

Sabi nga pala ni Lovi, kahit naman noong mga panahon na may boyfriend siya, hindi naman daw naaapektuhan ang kanyang showbiz career dahil kahit anong eksena raw ay nagagawa niya basta kailangan sa istorya ng mga proyektong ginagawa niya.

Samantala, hindi naman pinahirapan ng management team ni Lovi ang Kapuso network sa bago nilang kontrata.

Maganda raw ang terms and conditions na nakapaloob sa kontratang ‘yon, kaya nagkapirmahan kaagad.

Ni hindi rin daw inisip ni Lovi na mag-entertain ng ibang offer bago niya pinirmahan ang three years contract ng GMA 7 dahil naging maayos daw ang usapan ng Kapuso network management at ng manager niyang si Leo Dominguez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with