^

Pang Movies

Papasikat na aktor, mabilisan ang paglayas sa manager na namuhunan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang nadismaya sa isang male talent na ito dahil sa paglipat ng management na hindi nagpapaalam.

Nagulat na lang sila na pumirma na ito sa ibang management na hindi man lang daw muna kinausap ng maayos ang mga dating nag-aasikaso ng kanyang career.

Alam ng mga ito na patapos na ang kanyang management contract at handa silang i-renew ito dahil marami silang plano para sa male talent. Ilalatag na raw nila ang mga gagawin nitong mga teleserye at magkakaroon pa sana ng isang show kunsaan isa siya sa main hosts.

Pero nagulat na lang sila nang may mag-post sa social media na pumipirma na ito sa ibang talent management a day after na mag-expire ang kontrata nito.

Patunay lang na matagal na itong gustong umalis sa kanilang management dahil hindi man lang ito humingi ng meeting regarding sa renewal ng kontrata niya.

Nanghihinayang lang ang marami dahil malaki ang ginastos ng mga taong ito sa talent na ito dahil bini-build up nila ito para maging big star.

“Gano’n talaga ang buhay, ‘di ba? Lahat na ginawa mo pero hindi pa rin kuntento ang ibang tao.

“Kung sa tingin niya ay mas mabibigyan siya ng malaking break ng management na iyon, eh di wow! Good luck at sa iba na lang namin ibibigay ang mga project namin sa kanya.

“Sayang kasi for the next six months sana, punung-puno ang calendar niya ng shows dito at sa ibang bansa. May mga advertisers na nag-inquire para sa kanya.

“Sasabihin sana namin sa kanya ito sa renewal ng kontrata niya. Pero ginulat niya kami sa mabilis na pag-alis niya a day after his contract expired.

“Sayang ang mga offers. Pero good luck pa rin sa kanya,” pagtapos pa ng source namin.

Partner ni Alden sa resto maraming ibinuko

Ipi-feature sa programang Taste Buddies ang restaurant ni Pambansang Bae Alden Richards na Concha’s Garden Café sa Tagaytay City.

Ito ang isa sa mga investment ni Alden ng kanyang mga kinita simula noong maging phenomenal star siya kasama si Maine Mendoza dahil sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ang business partner ni Alden na si Chef Gemma Sembrano ang siyang nagkuwento kung paano nagsimula ang idea ng restaurant na ito ni Alden.

“Frequent guest kasi namin siya sa Silang, Cavite. So napansin ko talaga almost everyday, nandoon siya.

“So sabi ko this year ko lang siya in-offer na sabi ko baka gusto mong maging mag-business partner tayo. Maglalagay ako ng branch dito sa Tagaytay.

“So napakadali niyang kausap. Oo kaagad siya sabi niya ‘sige Ate Gemma, I’m very interested’. ‘Yun doon na nag-start ‘yun.”

Hindi nga raw nawawalan ng customers ang kanilang restaurant dahil bukod sa masarap ang pagkain, malaking tulong na alam ng mga customer na isa sa mga may-ari ay si Alden.

“Big help talaga kasi dito sa branch namin sobrang daming taong pumupunta.

“Tinutulungan kasi siya ng mga fans niya, nagbi-visit dito,” sey pa ni Chef Gemma.

Ni-reveal pa ni Chef Gemma ang mga paboritong kainin ni Alden sa kanilang restaurant.

“Shrimp Gambas and Laoya. Laoya is soup, lightly sweetened then may color siya na medyo reddish na may tomato sauce. Then may vegetable rin siya.”

Marami pang ibubuking si Chef Sembrano tungkol sa mga kinakain ni Alden sa Taste Buddies.

Direk Brillante pumiyok sa mga pailalim na kuha

Hindi itinago ng award-winning director na si Brillante Mendoza na na-stress siya sa pagdidirek ng kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Kinabahan daw si Direk Dante dahil labing-walong kamera ang minamaniobra ng kanyang grupo sa control room ng RTVM at hindi sila nakapag-rehearse kasama ang presidente.

Pero kahit gano’n ang nangyari, nairaos naman daw nila ng maayos ang SONA na walang naging problema.

Karamihan sa mga anggulo ni Direk Dante kay President Digong ay ang mula sa baba. Pagpapakita raw iyon ng power nito bilang leader ng bansa.

“It shows power and we want to show power.

“We want to show a powerful president, ‘di ba?

“‘Yun ang kanyang mensahe, that he’s in control and he knows what he’s talking about.”

Pati mga hand gestures at nuances ni Digong ay kinunan din niya.

“Importante ‘yun sa akin eh kasi ‘yun ‘yung kanyang expression.

“Doon mo nakikita ‘yung sincerity ng tao, sa kanyang nuances at sa kanyang movements,” diin pa niya.

Iba’t iba ang feedbacks ng mga netizens sa naging direksyon ni Direk Dante sa SONA. Pero ang importante raw at naipahayag ni President Digong ang kanyang mensahe sa buong bayan na paglilingkuran niya.

“Sana mas nakuha nila ‘yung message kung bakit ‘yun ang style.

“Hindi talaga siya static at gusto natin ay iba.

“Nakita natin ‘yung presidente, ang dami niyang adlib so dapat lang ma-capture ‘yun at ‘di ko iniiwasan ‘yun dahil ‘yun siya eh,” pagtatapos pa ni Direk Brillante Mendoza.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with