^

Pang Movies

Marian iniluklok na Hall of Famer ng FHM!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Rumampa si Marian Rivera sa victory party ng FHM’s 2016 Sexiest upang tanggapin ang recognition sa kanya nang iluklok ng men’s mag bilang Hall of Famer.

Simpleng kasuotan ang inirampa ng GMA Primetime Queen pero umani pa rin siya ng papuri sa pagtungo sa event kahit na nga hindi siya tinanghal na winner, huh!

Ika nga, nothing to prove si Yan na ilang beses nang nagawaran ng sexiest ng nasabing magazine. Subalit kahit may Baby Zia na, winner na winner pa rin ang kurbada ng kanyang katawan, huh!

Alden hindi pa pwedeng idaldal ang bagong project

Matapos uminit at sumikat ang pangalan nu’ng isang taon, hindi pa rin nakalimot si Alden Richards sa entertainment press mula nu’ng unknown pa siya hanggang ngayong isa na siya sa pinakasikat na young actors.

Aminado naman siya na malaking tulong ang pagsasama nila ni Maine Mendoza bilang loveteam. Kaya naman sa kanyang inilabas na book eh may bahagi ang phenomenal star sa pahina nito. ‘Yun nga lang, pagdating sa bago nilang proyekto, tikom muna ang bibig ng Pambansang Bae.

“Surprise po ‘yon but hopefully before the year ends, meron na tayong balita,” saad niya sa thanksgiving niya sa press last Tuesday. “So far po, going strong pa rin ang AlDub,” dagdag niya.

Lahat ng nangyayari kay Alden ay pinapasa-Diyos na lang niya. Kaya naman hindi niya batid kung ano ang kaganapan sa kanya sa darating na limang taon.

“Kung saan ako dalhin ni Lord, doon po ako. I will be happy that will come my way,” rason ng Pambasang Bae.

Sa pagiging mabenta nila ni Maine, marami silang nagawang endorsements. Kaliwa’t kanan din ang biyahe niya sa bansa at sa abroad. Kaya naman naibalita niyang tapos na ang bahay na pinagagawa sa Laguna at may magara na rin siyang sasakyan, huh!

So ngayong Pasko, ano nang magiging kakaiba sa buhay nila ng pamilya?

“Kami ng pamilya ko, mas okay kami sa nakasanayan naming ginagawa. Kung madadagdagan man po, blessing na po.

“Pero siguro ngayon, mas prosperous po than the Christmases before,” saad ni Alden.

Sandro mas mabenta kesa sa ama

Ipinauubaya na ni Senator Bongbong Marcos sa Supreme Court ang isinampang election protest laban kay VP Leni Robredo. May mga nakalap na silang ebidensya upang suportahan ang protesta niya subalit ang mas pinagkakaabalahan ng pamilya nila ngayon ang libing ng ama niyang si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa September.

“The date has not yet been decided. My mother is going to decide for us. Call niya ‘yon. ‘Yun na lang ang ginagawa natin ngayon at inaasikaso ang lahat ng arrangements dahil less than two months na lang at ang daming gagawin,” balita ni ex Sen. BBM sa pasasalamat din niya sa entertainment press na naging bahagi ng kandidatura niya.

Ang maka-bonding ang asawa’t anak ang ginagawa niya ngayon dahil halos hindi sila nagkita nu’ng anim na buwang kampanya.

“This is the rare time na magkasabay kami and may oras ako to be with them. Ang problema is that they don’t have time to be with me. Marami silang gimik. Busy sila but that’s okay. But happy to be able to have time to myself and my family. Nami-miss namin ang isa’t isa,” saad niya.

Bilang bahagi ng pasasalamat, naglilibot si Senator Marcos sa bansa. Ang ikinatuwa niya sa kampanya, nagustuhan ng publiko ang anak niyang si Sandro na nagnanakaw ng eksena sa kanya dahil sa rami ng gusto magpakuha ng picture rito, huh!

Sa panig naman ni Sandro sa pagkatalo ng ama, balik school siya sa Master’s Degree niya sa Economics sa London. Sabi niya sa ama, “Good men always prevail!”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with