^

Pang Movies

Mga namamirata takot sa mga flop na pelikula

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naloka ako sa pralala ng isang nagbebenta ng mga pirated DVD.

Hindi raw sila nagbebenta ng pirated copies ng Tagalog movies na certified flop. Malulugi raw sila dahil siguradong walang bibili.

Ganyan kasuplado ang mga vendor ng pirated DVD’s. Illegal na nga ang kanilang negosyo, sila pa ang may gana na mang-okray sa mga pelikula na hindi naramdaman na ipinalabas sa mga sinehan.

Boyet kinumpara ang Dukot sa obra ni Lino Brocka

Sa mga pelikula na ginawa niya, ang Dukot ang pinakapaborito ngayon ni Christopher de Leon.

Sa tuwing magkakausap kami sa cellphone, ang kagandahan ng Dukot ang paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Boyet na gumanap na main contravida sa nasabing pelikula. Naramdaman ko na favorite niya ang Dukot dahil dumalo siya sa presscon at tumulong sa promo na pinagbidahan ni Enrique Gil.

Ang feeling ni Boyet, isang Lino Brocka movie ang Dukot dahil sa mahusay na direksyon ni Paul Soriano.

I’m sure, matutuwa si Paul kapag nalaman nito ang pagkukumpara sa kanya ni Boyet sa award-winning director na matagal nang namayapa pero hanggang ngayon, kinikilala ang husay sa paggawa ng pelikula.

Para maging ganoon ang reaksyon ni Boyet, sure ako na talagang nagustuhan niya ang Dukot.

Highly-recommended ni Boyet sa lahat ang pelikula na mula sa direksyon ng asawa ni Toni Gonzaga at inspired ng isang true story.

Kim Domingo mumurahin ang suot sa victory party ng FHM!

Biktima ng bashing ang sexy starlet na si Kim Domingo dahil sa outfit niya sa victory party ng FHM.

Tinawag na cheap si Kim dahil sa kanyang cheap gown. Mas pinag-usapan tuloy ang damit niya kesa sa kanyang magandang mukha at sexy na katawan.

Kailangan ni Kim na mag-hire ng magaling na stylist para hindi na laitin at pagtawanan ang kanyang pananamit. Kumikita na si Kim ng datung kaya dapat na siyang mag-invest sa mga damit na sexy but classy para mapanindigan na niya ang pagi­ging artista.

Sandro sa height lang nakapareho si Charice

Hindi naman kamukha ni Charice si Sandro Marcos. Pinagmasdan kong mabuti si Sandro sa thanksgiving lunch ng tatay niya noong Martes para sa entertainment press at ang kanyang nanay na si Liza Araneta-Marcos ang kahawig niya, hindi si Charice.

Pareho lang na petite sina Sandro at Charice. Pareho rin ang mga hairstyle nila kaya sinasabi ng mga hater at basher na mag-kalokalike sila.

Mama Liza hindi nanonood ng TV

Hindi pala sinanay na manood ng TV si Mama Liza at ang mga kapatid niya noong mga bagets pa sila.

Ang magbasa nang magbasa ng mga libro at diyaryo ang kinalakihan nina Mama Liza dahil ‘yon ang gusto ng kanilang mga magulang.

Lumaki ang Araneta siblings na hindi nanonood ng TV at ito ang naisip na dahilan ni Mama Liza kaya walang maid na nagtatagal sa kanila.

Alam n’yo naman ang mga maid of honor, ang panonood ng TV ang bisyo nila na hindi naman nakasanayan ng asawa ni former Senator Bongbong Marcos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with