^

Pang Movies

Kaya hiniwalayan ang asawa Jason na-praning kina Carlo at Melai

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nakaka-shock ang napakahabang post ni Jason Francisco last Tuesday sa Instagram account ng anak niyang si Amelia Lucille o baby Mela. Dito ay sinabi niyang hiwalay na sila ng asawang si Melai Cantiveros at inisa-isa niya ang dahilan na nag-uugat sa pagseselos niya.

Kung babasahin mo ang post, mukhang si Jason talaga ang nagsulat dahil ganu’n siya magsalita in person.

Besides, naglalaman ito ng mga personal experiences nila ni Melai kaya malabo naman sigurong poser lang ito.

Simula niya, “bilang isang taong tahimik at simpleng tao lamang, na walang kakayanang magpa-interview at isinulat ko na lamang po. Saan ba nagsimula ang issue? Ano po ba ang totong nangyari? Sana ay mapaikli ko po ito.”

Sinimulan ni Jason ang kwento niya kung gaano sila kasayang mag-asawa nang magkaroon sila pareho ng teleserye sa ABS-CBN. Siya, sa My Super D at si Melai naman ay We Will Survive.

Ang tanong daw niya kay Melai, “Ga, may kapareha ka ba diyan? Siyempre, alam mo naman. . .” Sagot naman daw ng misis ay wala at tatakbo ang storya sa magkaibigan.

So, okay na okay daw sa kanya ‘yun at mas excited pa nga raw siya kaysa sa asawa.

Pero nang sabihin sa kanya ni Melai na may kapareha siya pero sa pilot episode lang naman daw makikita dahil mabubuntis siya sa story at pagkatapos ay iiwanan na, may naramdaman daw siyang kaba. Pero dahil may tiwala naman daw siya sa misis niya, sige pa rin, okay pa rin sa kanya.

Pero talagang may kaba pa rin siya kaya kapag nagte-taping daw ito sa Bicol ay hindi siya mapakali at tinatawagan niya lagi si Melai nang biglaan para kumustahin. Feeling daw niya that time ay may itinatago ang asawa sa kanya.

Hanggang sa napanood daw niya ang airing ng serye kung saan ay nakita niyang may kapareha pa rin ito na ginagampanan nga ni Carlo Aquino.

“Ito na pala ‘yung kaba ko. ‘Yun pala, naiba na ang istorya. Almost two months na bago ko pa nalaman,” saad pa ni Jason.

At doon na nga nagsimula ang problema nilang mag-asawa. Ayon sa aktor, dumating sa puntong nagkalamigan na sila dahil doon at sa magkahiwalay na kwarto na sila natutulog at iyak daw siya nang iyak.

Nakiusap pa raw siya sa production team na ibahin na ang story at huwag nang bigyan ng leading man si Melai.

Ayon pa sa aktor, ayaw daw niya nang may humahawak na ibang lalaki sa asawa niya at talagang may pagka-selfish siya when it comes to his wife.

Pero hindi raw siya pinakinggan ng production at ito ang isa rin sa ipinagngingitngit ni Jason. Feeling niya dahil maliit lang silang artista ni Melai kaya hindi pinakinggan ang request niya.

Ngayon ay hiwalay na raw silang mag-asawa at sinisisi ni Jason ang production unit ng We Will Survive na hindi raw pinagbigyan ang kanyang kahilingan.

Sa comments section ay maraming nagkomento na mababaw ang dahilan ni Jason at dapat niyang isipin na mga artista sila na may mga papel na dapat gampanan kasama na rito ang pagkakaroon ng ibang kapareha.

May mga nagsabi rin na sana ay lawakan ni Jason ang kanyang pag-iisip at huwag sisihin ang network na nagbibigay sa kanila ng trabaho.

Say pa ng isa, napaka-OA naman daw ni Jason at hindi lang naman si Melai ang may asawang may ibang kapareha. Kung si Toni Gonzaga nga raw ay kapareha si John Lloyd Cruz sa sitcom at ang dami nga nilang sweet na eksena pero hindi naman nagseselos ang mister nitong si Paul Soriano.

Actually, agree kami sa mga komento ng netizens na naging makitid talaga ang pag-iisip ni Jason at lalong kakitiran na isipin niyang dahil maliit silang artista kaya hindi pinagbigyan ang request niya na ibahin ang story ng WWS at huwag nang lagyan ng leading man si Melai.

Parang hindi naman healthy ang ganitong thinking, pati na rin ang pagse-self pity at paglalagay mo ng sisi sa ibang tao sa mga nangyayari sa buhay mo.

Kahit pa wala sila sa showbiz, kung ganito siya mag-isip, maghihiwalay at maghihiwalay din silang mag-asawa. Nasa kanya ang problema at wala sa misis niya o sa ibang tao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with