^

Pang Movies

Zoom palabas na

Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang pop-art inspired ang comedy movie na Zoom na binubuo ng tatlong istorya na mistulang magkahiwalay ngunit magkakabit. Tungkol ito sa isang comic book artist, nobelista, at isang direktor sa pelikula.

Nabubuhay ang bawat karakter sa kanya-kanyang daigdig, pero nalilikha sa pamamagitan ng drawing, panulat at pelikula ang buhay ng isa’t isa.

Nagtatrabaho sa araw sa isang love doll factory ang comic book artist na si Emma (Allison Pill), at sikreto siyang umaasam na mag-undergo sa isang cosmetic surgery.

Gusto niyang magpalaki ng kanyang dibdib.

Tungkol ang komiks ni Emma kay Edward na gagampanan ni Gael Garcia Bernal, isang maangas at poging film director, pero may malaking problema sa pribadong parte ng kanyang katawan. Gusto naman niyang magpalaki ng kanyang pagkalalaki.

Gumagawa ang director na si Edward ng film tungkol kay Michele (Mariana Ximenes) na nangangarap maging nobelista at gustong layasan ang kanyang glamorosang buhay bilang modelo pero, ayaw siyang payagan ng kanyang manager-lover na si Dale (Jason Priestly). Kaya lumayas siya at nagtago sa Brazil para makapag-concentrate sa pagsusulat.

In short, ang pelikula ay tungkol sa isang nobelista na sumulat tungkol sa isang cartoonist na nakalikha ng comic book tungkol sa isang filmmaker na gumawa ng isang pelikula tungkol sa isang manunulat.

Sabi ng film director na si Pedro Morelli, “Zoom is one part animation and two parts live action, and the live action sequences have two very distinct looks.

Ipalalabas na ang Zoom na may Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Rating na R-16 simula August 3 sa mga sinehan nationwide. Ang Solar Pictures, Inc. ang distributor ng pelikula sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with