^

Pang Movies

Katrina bagong buhay para sa anak

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Aminado si Katrina Halili na malaki ang nabago sa kanyang buhay magmula ng nagkaroon siya ng anak. Mag-aapat na taon na ang kanyang unica hija na si Katie ngayong September.

Kwento ng aktres, blessing na maituturing na ibinigay sa kanya ni Lord si Katie. “Ang saya pala. Masaya ang may baby. Masarap sa pakiramdam. Kapag napapagod ako, makita ko lang siya eh nawawala na lahat ng pagod ko. At ngayon nga na apat na taon na siya, medyo makulit na.”

Tuwing nasa trabaho raw siya o may taping, madalas niyang tinatawagan si Katie para hindi ma-miss ang anak. Kampante naman siya na nasa mabu­ting kalagayan ang anak kapag wala siya dahil kamag-anak niya ang nagbabantay sa bata.

Descendants of the Sun most awaited daw

Nagsimula na noong Lunes ang phenomenal Korean drama series na Descendants of the Sun sa GMA Telebabad at mapapanood pagkatapos ng Encantadia.

Ang Descendants of the Sun ay kuwento ng isang magandang doctor na si Maxine Kang (Song Hye-kyo) at gwapong sundalo na si Lucas Yoo (Song Joong-ki).

Sa kanilang pagkikita ay magkakaroon agad ng spark sa pagitan nila subalit dahil sa kanilang mga tungkulin ay marami silang mai-experience na challenges. Alin kaya ang mas matimbang ang pag-ibig o ang kanilang mga tungkulin?

Sa pagsisimula ng Descendants of the Sun, panigurado raw mas darami pang mga viewer ang mahuhumaling sa nasabing serye dito sa bansa.

Ayon kay Chris Choi, PR Manager ng Korean Cultural Center sa Pilipinas, naging most awaited drama of 2016 daw ang Descendants of the Sun hindi lang dahil sa ganda ng cinematography at shooting locations ng show kundi pati na rin daw ang epic love story nina Lucas Yoo at Dr. Maxine Kang.                               

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with