^

Pang Movies

Aktres nangungulit sa aktor na may GF!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakukulitan na raw ang isang actor sa celebrity na walang ginawa kundi tawagan siya kahit may trabaho siya.

Kahit daw sinabi na niyang huwag siyang tawagan dahil may work siya, ganoon pa rin, palilipasin lamang ang ilang minutes, tatawag na naman sa kanya.

Kaya kung minsan, hindi na lamang niya sinasagot at hinahayaan  niyang tumunog nang tumunog ang cell phone niya na ibig sabihin ay busy siya kaya hindi niya sinasagot.  May girlfriend kasi ang actor at ayaw naman niya sa celebrity.

Marian success sa pagluluto ng buwaya

Ini-enjoy nang labis ni Marian Rivera-Dantes ang mga episodes ng Yan Ang Morning ngayon na lumalabas sila ng studio, at pumupunta sa iba’t ibang lugar.

“Mas masaya talaga iyong lumalabas ka ng studio,” sabi ni Marian.  “Am sure na ang mga guest na kinukuha namin masaya rin dahil parang nagiging outing nila kung minsan lalo na kung busy din sila sa ibang taping nila sa GMA.  Kahit ako, isa ring magandang experience sa akin kapag pumupunta kami sa mga lugar na hindi ko pa rin napupuntahan at nakakasama naman ang ibang Kapuso stars sa bawat episode na gawin namin.  At ang maganda, hindi namin iniiwan iyong mga ginagawa naming pagluluto sa studio.  Kahit saan kami pumunta, natatapos iyon sa pagluluto ko ng food, hindi ko nga in-expect na makapagluluto ako ng adobong crocodile kahapon sa episode namin,” kuwento ni Mrs. Dingdong Dantes.

Pero sa kabila ng mga halos araw-araw na taping, hindi nakakalimutan ni Marian ang duty niya bilang mommy ng panganay nila ni Dingdong Dantes na si Baby Letizia.  Nag-post muli si Marian ng picture ng anak nang mag-eight month olds na siya last July 23.  Natuwa ang mga netizens at nag-trending ang picture ni Baby Zia.

Patuloy pa ring bini-breast feed ni Marian ang baby nila pero hindi naging problema iyon sa kanya, kahit   nagti-taping siya ng Encantadia bilang si Ynang Reyna.

Sabi niya, “time management lamang naman saka nariyan naman lagi si Dong para suportahan ako.”

Piolo kuripot...

Wala palang hilig mag-splurge ng pera niya si Piolo Pascual, kaya minabuti niya, as an eight-year ambassador na ng Sun Life, hiningi niya ang tulong nila para maayos ang kanyang naiipon na ayon sa kanya, can see him through na hanggang sa retirement year niya.

Biniro tuloy si Piolo kung ready na ba siyang mag-retire from showbiz?  Noong una raw ay naisip na rin niya iyon dahil ang anak na si Iñigo ay kumikita na rin at may sarili nang pera, pero sinusubaybayan pa rin daw niya ang anak.

Pero naisip din niya na hindi pa rin niya maiiwan ang showbiz, marami raw siyang dapat ipagpasalamat dito, kaya tuloy pa rin siya kung may projects na ibibigay sa kanya.  Mas lalo raw siyang concerned ngayon sa kanyang health, kaya nagbakasyon naman siya ng two months, kasama ang mommy niya at nagkaroon sila ng bonding.

Tamang-tamang pagbalik niya ang launch ng #Money4Life campaign ng Sun Life at after matagal-tagal na ring hindi sila nagkakasama ng dating ka-love team na si Judy Ann Santos-Agoncillo, dito pa sila muling nagkatrabaho.

Parehong willing na magsama muli sa serye ang dalawa, pero mas preferred nila kung movie ang gagawin nila. Pero si Juday, iyon ay kung kailan lamang siya pwede dahil hindi pa siya ready since nagbi-breast feed pa rin siya sa bunso nila ni Ryan Agoncillo na si Luna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with