^

Pang Movies

Goma adjusted na sa pagiging probinsiyano!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang biruan nga noong isang araw, ang tunay daw na probinsyano ngayon ay si Richard Gomez. Hindi dumating si Mayor Goma sa SONA. Dati sinasamahan niya ang kanyang asawang si Congresswoman Lucy Torres Gomez, at isa sila sa inaabangan ng mga TV camera.

Noon kasi, siya ang chief of staff ni Congresswoman Lucy, eh ngayon may responsibilidad na siyang iba bilang mayor ng Ormoc, kaya doon na lang siya. Nagpalagay daw siya ng TV sa city hall para doon na lang panoorin ang SONA.

Noong araw kasunod ng SONA, may kuwento si Mayor Goma na gumising siya ng alas-singko ng uma­ga at nag-harvest ng avocado sa kanilang backyard.

Parang ang hirap paniwalaan na ang isang artista na karaniwang gumigising ng tanghali na dahil iyong mga taping naman nila ay inaabot ng magdamagan kung minsan, ay napakabilis na nakapag-adjust at ngayon gumigising na ng alas singko ng madaling araw.

Naalala namin noong araw, hirap na hirap mag-adjust si Ate Vi, kaya noong mayor siya ng Lipa, karaniwan hindi na muna siya natutulog para makarating siya ng maaga sa kanilang flag ceremony.

Matagal din bago naka-adjust si Ate Vi. Pero si Goma, ang bilis na nakapag-adjust.

Talagang dinidibdib na yata ni Mayor Goma ang kanyang responsibilidad sa kanilang lunsod. In fact, sinabi niyang hindi na muna siya masyadong magiging aktibo sa showbiz, kasi nga marami raw siyang nakitang dapat gawin agad.

Matagal na kasi niyang nakikita kung ano ang kulang. Matagal na niyang pinag-aaralan kung papaano babaguhin ang lunsod, eh ngayong naroroon na siya, nagmamadali siyang gawin ang lahat nang iyon.

Kahit sumablay ang mic, Bayang Barrios tama ang pagkakakanta ng Lupang Hinirang

Lumabas si Bayang Barrios na suot ang isang katutubong damit ng taga-Mindanao, at agad na nagsimula ng pag-awit ng Lupang Hinirang.

Kaya namin pinapansin ay dahil magaling ang pagkakakanta ni Bayang ng Lupang Hinirang. Talagang kinanta niya iyon sa tamang tono at sa tamang kumpas.

Marami na tayong mga singer na kumanta niyan, lalo na sa mga laban sa boxing, na ang akala eh may karapatan silang baguhin ang tono, o baguhin ang tempo ng kanta dahil sa sinasabi nilang artistic license. Ang hindi nila alam, may batas tayong umiiral na hindi dapat baguhin ang Lupang Hinirang. Ang nakakainis naman, pinupuna lang sila ng Historial Commission, pero walang na­dedemanda at napaparusahan dahil sa maling pagkanta ng Lupang Hinirang.

Kaya nga pinupuri namin si Bayang Barrios, dahil kinanta niya ang Lupang Hinirang sa paraang tama at ikinasisiya ng mga tunay na Pilipino.

Pagdidirek ni Brillante, nagmukhang Ma’Sona

Marami ang hindi natuwa sa TV cove­rage ng SONA. Sabi nila, para raw isang indie film. Pinagtatawanan din nila ang maraming shots, close up ng kamay ni Presidente Digong Duterte, iyong shot na galing sa ilalim na nakatutok sa ilong ng presidente. Marami pang ibang hindi magandang gestures na karaniwang iniiwasan ng camera pero lumabas, kasi nga parang indie. May mga pagkakataong parang napakadilim ng bulwagan ng Kongreso.

Nagkakatawanan nga kami pagkatapos dahil sabi nila, iyon daw SONA coverage ay dapat na bigyan ng title na MA’ SONA. Dapat talaga, news team ang nandiyan eh.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with