^

Pang Movies

Lalo pang yumabang aktres hindi pa rin tanggap na laos na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Marami ang nagsasabi sa akin na nandiri sila nang mapanood nila ang interbyu sa isang has-been na artista.

Nalaswaan daw sila sa mga pralala ng artista na hindi matanggap na laos na siya kaya kung anik-anik na lang ang mga naiisip na gimik.

Hindi ko pinanood ang interbyu dahil I have better things to do. Hindi ko rin pinangarap na masuka at maranasan ang  naram­daman ng mga nagtiyaga na panoorin ang mga kayabangan ng has-been na kung kailan tumanda, saka lalong nag-deteriorate ang ugali.

Sen. Bongbong tuloy ang laban

Walang tapon sa mga sinabi ni former Senator Bongbong Marcos at ng kanyang mag-ina sa lunch treat nila sa piling miyembro ng entertainment press.

Iba talaga kapag may pinag-aralan ang isang tao. Gaganahan ka na maki­pag-usap sa kanila dahil marami kang matututunan mula sa mga sinasabi nila. Hindi katulad ng laos na artista na kalaswaan at puro kababawan ang lumalabas mula sa bibig.

Sinabi ni Papa Bongbong na hinihintay niya ang resulta ng kanyang protesta dahil kumbinsido siya na may nangyari na dayaan sa vice presidential election noong May 2016.

Pati ang kanyang anak na si Sandro, naniniwala na ang tatay niya ang tunay na winner dahil lumilitaw na ang mga saksi at ang mga solid na ebidensya.

Hindi pa masabi ni Sandro kung susundan niya ang yapak sa pulitika ng kanyang ama dahil sa ngayon, natutuwa ang bagets sa kanyang fans na nadagdagan ang bilang nang maging aktibo siya sa pangangampanya noong eleksyon.

Twenty two years-old na si Sandro pero bagets-looking ito kaya napagkakamalan siya na 15-years old.

Labi ni Marcos ililibing na raw sa September

Ang SONA ni President Rodrigo Duterte ang isa sa mga topic kahapon sa tanghalian ng entertainment press at ng Marcos family.

Bilib na bilib si Papa Bongbong sa mga ginagawa ni Papa Rody para sa ating bayan.

Sinagot din ni Papa Bongbong ang tanong tungkol sa paglilibing sa kanyang ama sa Libingan ng mga Bayani.

I’m sure, magiging talk of the town ang sinabi ni Papa Bongbong na ililibing si former President Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa September 2016 at pinaplano na nila ang mga mangyayari tulad ng pagbuburol sa labi ng kanyang ama sa tatlong bayan sa Ilocos Norte.

Alden nagpasalamat

Walang umuwing luhaan sa thanksgiving party ni Alden Richards para sa entertainment press.

Literal na nag-share ng blessings si Alden dahil sa mga loot bag na ipinamigay niya at sa raffle draw na sangkatutak ang mga premyo.

Kahapon lang nangyari ang thanksgiving party ni Alden dahil naging busy siya mula nang sumikat ang loveteam nila ni Maine Mendoza.

Actually, kahit noong hindi pa sikat ang kal­yeserye ng Eat Bulaga, kaliwa’t kanan na ang mga show ni Alden sa mga probinsya at ibang bansa.

Lalong nadagdagan ang mga raket at showbiz commitments ni Alden dahil sa phenomenal success ng loveteam nila ni Maine na isa sa mga dahilan kaya hindi siya mabigyan ng GMA 7 ng bagong teleserye.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with