^

Pang Movies

Dahil sa lalaki, Angeline iniyakan si Vice!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa pelikulang That Thing Called Tanga Na, si Angeline Quinto lang ang babae sa limang magkakaibigang karakter. Puro gays ang role nina Eric Quizon, Martin Escudero, Kean Cipriano at Billy Crawford.

In real life, bilang nasa showbiz si Angeline na napapaligiran din ng mga bading, just like her character sa movie ay marami rin siyang kaibigang gays at feel na feel daw niya ang sinseridad ng mga ito when it comes to friendship.

Isa sa tine-treasure ni Angeline na gay friends ay si Vice Ganda na aniya ay natakbuhan niya noong time na may pinagdaraanan siyang mabigat sa kanyang lovelife.

“Share ko lang ha, two years ago sobra akong problemado sa lovelife ko. Wala akong ibang alam kung sinong puwedeng sabihan sa mga kaibigan kong artista, sa mga kaibigan kong singers. Kasi hindi ko alam baka mamaya mai-share rin sa iba, eh, hindi naman alam ng lahat na may relationship ako no’n.

“So, si Ate Vice ang tinawagan ko talaga dahil siya po ang isa sa mga artistang malapit sa akin.

“Akala ko nga nu’ng una magagalit siya kasi nung time na yon na tumawag ako sa kanya iyak ako nang iyak sa cell phone. Ando’n pala siya sa bahay ng dyowa niya. ‘Ano’ng problema mo, intayin mo ako diyan’ sabi niya,” kwento ni Angeline.

Hindi raw niya inasahang pupunta talaga si Vice sa condo niya dahil ala-una na raw ng madaling-araw ‘yun.

“So, hindi ko naman in-expect na pupunta siya talaga kasi parang mga 1 a.m. na po nung dumating siya sa condo namin. Pagdating niya iyak pa rin ako nang iyak hanggang sa...siguro mga three hours kaming magkausap, magkatabi kami sa kama.”

That time na kasama niya si Vice ay sobrang gumaan daw ang kanyang  pakiramdam at nakalimutan niyang malungkot siya dahil nga napakahusay ding magpatawa ng komedyante.

“Sabi ko nga po, sa dinami-rami ng mga kakilala kong mga bading, mga bakla, mga kamag-anak, sigu­ro kung ang Pilipinas mawawalan ng mga bakla, siguro malungkot, ‘di ba?

“Saka sa trabaho ko pa lang, yung mga nag-aayos sa akin, make-up artist ko, ang stylist ko, hairstylist ko, lahat po sila mga bakla. So, every time na nalulungkot ako ang lahat ng tinatawagan ko at gusto kong kasama lagi ay mga bading,” say pa ni Angge.

Kaya nga nang may magtanong sa cast kung pabor sila sa same sex marriage, isa si Angeline sa nagsabing pabor siya.

“Ang dami ko rin pong kilalang mga parehong lalaking kinasal, parehong babaeng ikinasal. Saka sila pa yung nag-i-invite sa akin minsan na magkaroon ng trabaho para kumanta sa wedding nila.

“Malaking tulong naman po sila sa akin, so bakit naman po ako magiging against sa same sex marriage. Saka, willing naman po silang magbayad ng tama,” natatawang sabi ni Angeline.

Actually, kung kilala mo si Angge, you’ll find out na para siyang babaeng bakla na masaya ring kausap at mahilig magpatawa.

Sylvia pinag-aralan mabuti ang pagkakaroon ng sakit

Walang problema kay Sylvia Sanchez kung pagkatapos ng serye nilang The Greatest Love ay bigyan siya ulit ng supporting role. Hindi raw siya ‘yung tipo na porke naging bida na ay magiging mapili na siya sa role.

“Kung after nitong pagli-lead ko, halimbawa, next project ko, supporting ulit ako, hindi ako mamimili, basta magaganda lang ‘yung role na gagampanan ko. Pwede akong maging bida, pwede akong maging kontrabida. Ayokong nan­dun lang sa isa na pag bida-bida talaga ako, a­yoko,” sey ni Ibyang.

For her role in The Greatest Love ay personal na nag-research si Sylvia tungkol sa Alzheimer’s disease na siyang sakit ng karakter niya sa serye.

“In-immerse ko ‘yung sarili ko sa may ganitong klaseng sakit. Kailangan ko, eh. Kasi ayo­kong pumasok sa. . .like, ang expectation ng lahat ng tao, ang taas, ang ganda, lalo na nun’g napanood ang teaser.

“Ayokong pag napanood n’yo, ‘ay, ganu’n lang?’ Saka hindi ako ‘yung isang tao na pupunta sa isang giyera na walang balang dala, alam mo ‘yun? Ayoko ‘yung may mga umasa sa aking lahat na maganda, tapos hanggang doon lang, ibibigay ko, hindi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with