SKY may pay-per-view na!
MANILA, Philippines - Abot-kamay na ang bonding ng pamilya dahil sa handog ng nangungunang cable provider na Sky Cable. Ngayon ay nag-o-offer na rin sila ng pay-per-view online via SKY On Demand.
Mas convenient na ngayon ang panonood dahil pwede nang ma-access ang inyong favorite cable channel na gamit ang inyong mga gadgets.
Ayon kay Sky Cable head of digital/OTT Jerome Almirante, sumasabay na raw ang viewing habits ng mga Filipino dahil mas pinipili na nating manood gamit ang iba’t ibang uri ng screens aside sa paggamit ng simpleng TV.
Aniya, “With SKY On Demand, Filipino families can watch SKYcable shows online, and stream pay-per-view, live cable channels, and catch up episodes of popular local and foreign shows on their laptops, smartphones, and tablets.”
Ni-launch ang SKY On Demas noong 2015 during Sky Cable’s 25th year, na siyang naghudyat para mas pagandahin ang cable TV viewing nga mga Pinoy.
Ilan sa mga pay-per-view content nito ay ang local and foreign channels gaya ng CNN, Disney, and BTV; movies, and exclusive channels like ABS-CBN HD, ANC HD, ABS-CBN Sports + Action HD, at marami pang iba. Magagamit ito sa pamamagitan SKYbroadband or SKYmobi (mobile internet) connection.
Para sa mas maraming impormasyon, visit mysky.com.ph.
- Latest