^

Pang Movies

Juday nagpasalamat na hindi natuloy ang serye nila ni Richard Yap!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Si Judy Ann Santos-Agoncillo ang newest ambassador ng Sun Life Philippines at ang latest campaign nila ay #Money4Life. 

Kaya naman, muli silang magkakatrabaho ng dating leading man si Piolo Pascual na eight years nang ambassador ng Sun Life.

Sa launch, inamin ni Juday na nagsisimula pa lamang siyang mag-artista, inisip na niya agad na bigyan ng proteksyon ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagkuha ng insurance para sa buo niyang pamilya. 

Kahit hindi pa raw kalakihan ang talent fee niya noon, nagsi-set aside na siya ng para sa kanilang insurance. 

Ngayon, may insurance na rin sina Yohan at Lucho, hinihintay pa niya kung kailan pwede nang i-insure ang youngest nilang si Luna.  Natanong nga pala si Juday kung susundan pa nila ni Ryan Agoncillo ang bunso nila.  Kung ipagkakaloob daw ng Diyos pero kung forty five na siya at hindi pa nasundan si Luna, tama na raw sa kanila ni Ryan ang tatlo nilang anak.

Sa ngayon, hindi pa rin handa si Juday na bumalik sa paggawa ng teleserye.  Nagpasalamat siya na hindi na rin itinuloy ng Dreamscape ni Deo Endrinal ang soap na pagtatambalan nila ni Richard Yap, unang-una, hindi na raw bagay ang concept ng story para sa kanilang dalawa. 

But she hopes na makagawa pa rin sila ng isang project na magkasama sila.  Sa ngayon, ready na siya para i-promote ang indie film niyang Kusina para sa Cinemalaya next month.

Kasama pa rin nila ni Piolo sa latest Sun Life campaign sina Ms. Charo Santos-Concio, Chief Content Officer ng ABS-CBN at si Matteo Guidicelli.

Alden ayaw pang mag-I love you kay Maine

Muling nakausap ng Filipino journalist na si Rico Hizon na based sa BBC Singapore si Alden Richards last Sunday bago ang concert nito na One Fine Day with The Bae sa Kallang Theatre in Singapore. 

Ang tungkol pa rin sa relasyon nila ng ka-love team na si Maine Mendoza ang tinanong sa kanya at live na napanood sa BBC at 2:00 p.m.

Sa walang label na relasyon: “I think the people know already what they see on and off camera, that’s Maine and Alden – it’s true, it’s real, it’s genuine. 

“Maine and I have to be respected for what we have now.  We don’t need to elaborate or expounded whatever we have because it’s a relationship between both of us.  So I think, people should res­pect that.

“Every now and then, I see to it that I make an effort to have quality time with her offcam.”

Sa huling tanong ni Rico kay Alden kung nagsasabihan sila ni Maine ng “I love you” sagot ni Alden: “I think I should answer that when Maine is with me.”

Kasama namang nag-show ni Alden ang Kapuso actress-singer na si Aicelle Santos na kasama ang boyfriend na si Mark Zambrano ng GMA News & Public Affairs kaya nagkaroon ng laglagan ang parehong taga-Eat Bulaga.

Tanong ni Alden kay Aicelle: “in a scale of 10, gaano ka ka-in love” Sagot ni Aicelle: “10! Ikaw?”  Sagot ni Alden: “10 din!” kaya tilian at hiyawan ang audience in Singapore.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with