^

Pang Movies

Vice naiinis na pinagtatawanan kahit nagpapa-seksi

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Sobrang natutuwa si Coco Martin sa dalawa niyang alagang bulilit sa Ang Probinsyano na sina Makmak (McNeal “Awra” Briguela) at Onyok (Simon Ezekiel Pineda).

Kuwento ni Coco sa interview, makukulit lang daw ang dalawang bata pero  mababait ang mga ito sa kanilang pamilya tulad niya.

Hindi lang daw sa harap ng TV nagtuturo si Coco ng kagandahang asal sa kanilang mga viewer kundi maging sa likod ng kamera lalo na kapag kausap niya sina Makmak at Onyok.

Samantala, nagpapasalamat si Coco at nakakasama niya ang mga veteran at mahuhusay na aktor ng industriya mula pa kay Eddie Garcia, Albert Martinez, at Cesar Montano.

Wish din niyang makatrabaho sina Robin Padilla at Phillip Salvador na tiyak na marami raw siyang matutunan.

Natupad na rin ang wish ng fans na umapir si Vice Ganda sa Ang Probinsyano.

Naloka at na-bad trip lang si Vice dahil kahit daw nagpapaseksi siya sa eksena ay pinagtatawanan pa rin siya ng fans. Ipinagdidiinan pa ni Vice sa kanyang Instagram na huwag siyang tawanan dahil hindi siya nagkokomedi, kundi nagpapaseksi.

Pero nakakatawa pa rin kasi ang itsura niya kaya kwela sa mga manonood ang kanyang appearance sa Ang Probinsyano.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with